NAMATAY ang apo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Kinumpirma ni Atty. Larry Gadon, isa sa mga abugado ni Arroyo, ang pagkamatay ang 13-buwang gulang na si Jorge Alonzo Arroyo Bernas.
Namatay ang bata sa Philippine Heart Center alas-9:30 ng umaga kahapon sanhi ng congenital heart disease.
Si Bernas ay anak nina Luigi Bernas at Luli Arroyo-Bernas, ang nag-iisang anak na babae ng dating pangulo.
Maghahain ang dating pangulo ng petisyon sa Sandiganbayan upang makapunta sa burol at libing ng apo.
Naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder kaugnay ng maanomalya umanong paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
MOST READ
LATEST STORIES