Iñigo Pascual makikipagtalik lang pag kasal na

PIOLO AT INIGO PASCUAL

PIOLO AT INIGO PASCUAL

MASARAP kausap si Iñigo Pascual dahil diretsong sumagot at prangka na malayung-malayo sa tatay niyang si Piolo Pascual na kadalasan ay dinadaan sa paliguy-ligoy at pagtawa kapag umiiwas sa isyu.

Bago namin nasolong kapanayamin si Iñigo ay ipinakilala muna kami ng manager niyang si Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management at sinabing straightforward kaming magtanong kaya huwag daw siyang mabibigla.

At dahil inamin na ng binata na may mutual understanding sila ng leading lady niyang si Sofia Andres sa “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” ay tinanong namin kung ilang buwan na silang may MU ng dalaga.

“Ilang months? Wow, straightforward talaga, tama nga,” natawang sabi ng batang aktor. “Ah, we’ve been talking since I came back, June. We told each other that we have feelings for each other, pero it’s not something na we’re taking it seriously,” paliwanag ni Iñigo.

Kailan naman magle-level up ang mutual understanding nila? “I think when the right time comes, we’re still both young and we can’t really say that now, still depends what will happen in life, but yeah, we’re good to say that in our lives and I’m very thankful that we have each other.”

Sa pagkakaintindi natin bossing Ervin kapag MU ay puwede pang makipag-date sa iba, di ba? Pero kinontra ito ng binata, “I’m not the type who would do that naman po, when I say mutual understanding is you have the understanding with each other na nothing official commitment to each other but you have to respect each other since you have this understanding.”

So, puwede niyang pagbawalan si Sofia kapag may gustong manligaw o gusto niyang lumabas kasama ang ibang boys, “Hindi naman po, pero we’re watchful with each other, respects each other. Hindi naman po pinagbabawalan, pero may moments po na ganu’n,we just try to protect each other,” paliwanag pa niya.

Nakakatuwa, hindi naimpluwensiyahan si Iñigo ng kultura sa Amerika. Nakilala na raw ni Piolo si Sofia at ang magandangsabi ng aktor, “She’s nice, very pleasant, very kind, very polite, alam niyang MU po kami, sabi lang niya, do not take things seriously since we’re still young,” kuwento pa ng binatilyo.

Anyway, diretsong tanong namin kay Iñigo kung virgin pa siya sa edad na 17, “Yes, I’m still a virgin and I’m very proud of it,” natawang sagot nito.

Nagulat kami bossing Ervin dahil akala namin ay hindi niya sasagutin o kaya’y itatanggi niya, pero ipinagmalaki niyang hindi pa siya nabibinyagan. “My lips are virgin, you know my whole body is still (virgin),” sabi pa ng bagitong aktor.

Pero umamin ang bagets na, “Muntikan na po (mawala) kasi girls in the States are very aggressive, they were the first ones to make the first move.”

Sa tanong namin kung kailan niya planong isurender ang kanyang virginity, ang mabilis na sagot ni Iñigo, “When I’m married! Yes, I’m serious!” diin ng binatilyo.

Napa-weeeh pa kami sa sinabi niya kaya tinanong namin kung kailan niya planong mag-asawa, “My ideal age is 30 po sana and it depends naman, I wanna come with the right choices and right decision po,” paliwanag ng anak ni Piolo.

Kaya pinuri namin ang pagpapalaki sa kanya ng magulang niya dahil pinalaki siyang konserbatibo at may takot. At ang gusto niyang mapangasawa kung sakali ay hindi taga-showbiz dahil, “I want a private life po as much as possible.”

At nang banggitin namin na taga-showbiz si Sofia ang mabilis na sagot ni Iñigo ay, “E, di aalis po kami ng showbiz.”

Mas gusto na ni Iñigo rito sa Pilipinas, “I want to spend time with my dad, yun naman po talaga ang gusto ko when I graduate and when he retires from the business (showbiz), we’re gonna have a lot of time together, make up the time we won’t together because I grew up in the states. So I want to spend more time with him.”

Maski raw kasi nandito sa Pilipinas si Iñigo ay hindi rin niya masyadong nakakasama ang daddy niya dahil magkahiwalay sila ng bahay.

“I’m staying with my mom, pag free po ako, pumupunta po ako sa taping niya, pareho po kaming busy. Pag nagwo-work po ako, I’m with my mom,” kuwento pa nito.

Samantala, bukod sa “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” ay nakatakda ring gumawa sa Viva Films si Iñigo kasama naman si Julia Barretto, inunahan na nga niya kami na hindi niya tataluhin ang dalaga dahil kaibigan niya si Julian Estrada na naging boyfriend nga ni Julia.

Mapapanood na ang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” sa Nob. 12 mula sa Spring Films distributed ng Star Cinema na idinirek naman nina Irene Villamor at Antoinette Jadaone.

Read more...