Coco 4 taon nang walang dyowa: Bata pa ko, marami pang mangyayari!

COCO MARTIN AT JULIA MONTES

COCO MARTIN AT JULIA MONTES

WITH the attendance of so many beautiful at bigating personalities na dumating sa birthday cum anniversary celebration ni Coco Martin last Wednesday, walang duda na siya na talaga ang numero unong actor ngayon and one of the most-endearing stars in showbiz today.

Ka-lab-lab naman kasi si Coco at lab din kasi niya ang industry lalo na ang movie press na nakita siya from the very start na pasukin niya ang showbiz and he knows how to give back. Kaya hayan, kahit sa sosyal na party niya, e, invited pa rin ang mga reporter at pantay-pantay ang treatment.

Walang ideya si Coco sa magaganap sa party dahil ang punung-abala ng lahat ay ang kanyang manager na si Biboy Arboleda.
“Pero syempre ine-expect ko ‘yung mga kaibigan ko na dumating. Mga taga-indie (film), e, pamilya ko sila kasi. ‘Yan ‘yung unang mga bagay na hinding-hindi ko malilimutan. Sabi ko nga sa lahat ng mga taong tumulong sa akin, kumbaga, eto ‘yung chance para makapagpasalamat ako,” lahad ni Coco.

Na-convince raw siya ni Biboy nu’ng sinabi sa kanya na eto na ‘yung time na makapagpasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kanya.

“Alam ninyo naman na hindi ako sanay sa party. Happy ako kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko. Happy ako na nakikita sila, pero hindi ako happy na mag-entertain, oo. Hindi ako sanay, hindi ako marunong….namamaluktot ako. Parang hindi ko alam kung paano ko ia-approach (‘yung mga guest),” esplika niya.

Sa lovelife naman, almost four years na siyang walang girlfriend, “Galing na ako diyan, from high school pa lang ako. Hindi naman napagod. Kumbaga, hindi ako inosente. Ibig sabihin, napagdaanan ko naman lahat ‘yan. Alam ninyo naman unang movie ko pa lang, ‘yan na ang isyu ko,” natatawang sabi ni Coco.

At kahit daw magkaroon siya ng girlfriend ngayon, ‘di raw nangangahulugan na siya na ‘yung babaeng pakakasalan niya. Bata pa raw siya at ayaw pa niyang bigyan ng limitasyon ang sarili niya. Kumbaga, marami pa raw mangyayari.

Knows naman ata ‘yun ni Julia Montes na natsitsismis na girlfriend ni Coco ngayon. Bata pa rin naman si Julia at marami pang pagtulong ang gagawin sa pamilya.

No wonder kung true man ang tsismis na tinulungan ni Coco si Julia nu’ng magkaroon nang “kaguluhan” sa pamilya ng kanyang leading lady kamakailan. To the rescue raw si Coco kay Julia na labis na na-appreciate ng kanyang leading lady.

Sakto paglabas namin sa party ni Coco ay nakasalubong namin si Julia Montes. Dress to the nine si Julia that night, huh!
Happiness at fulfilment ng lahat nang dini-desire ng puso ni Coco ang wish niya sa kanyang leading man sa Ikaw Lamang.
Secret ang sinabi ni Julia when we asked her kung ano ang regalo niya kay Coco. Pero para sa aktor okey na sa kanya ang binibigay na support ni Julia.

“Oo, support, love, prayers. Pero hindi, meron. Para lang din sa, kapag nagse-celebrate siya, ayun, medyo related kapag nagse-celebrate ang isang tao,” sabi niya about her gift kay Coco.

Itinanggi ni Julia na mag-on na talaga sila ni Coco, “Wow! Ha-hahaha! Wala pang ganoon, masyado pang ano, wala pang ganoon.”

E, ano kaya ang tunay na relasyon nila ngayon? “Ano po ba sabi niya (Coco)? A, pero super close friends po talaga kami.”

Hindi rin nilinaw ni Julia kung true ba na ipinagtanggol siya ni Coco noong magkaroon ng gulo sa pamilya niya, “Hindi, basta lagi lang siyang supportive. Siya ‘yung naga-advise sa akin kapag may tanong ako sa work, ganyan. Talagag super close friends kami ever since.”

Read more...