Kris dagdag sa listahan ng mga ninang sa kasalang Dingdong-Marian

kris aquino
Kumpirmado nang tatayong ninang sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kaibigan nilang si Kris Aquino sa darating na Dec. 30.

Napag-alaman namin na personal talagang pinuntahan ng GMA Primetime King and Queen ang TV host-actress sa shooting ng pelikula nitong “Feng Shui 2” para pormal na ipaalam ang kanilang kagustuhang makasama ito sa entourage ng kanilang wedding.

Siyempre, buong-puso itong tinanggap ni Kris dahil malapit talaga sa pamilya nila ang dalawa.

Read more...