TILA na-trauma ang rock icon na si Rico Blanco sa paggawa ng mga teleserye. Bukod kasi sa magaling na performer on stage, ilang beses na ring napanood sa mga soap opera ng ABS-CBN ang dating Rivermaya vocalist.
Nakachika ng entertainment media si Rico kamakailan sa presscon ng “ICON: The Concert” kasama sina Yeng Constantino at Gloc 9, at kinumusta nga siya kung bakit hindi na siya gumawa uli ng serye pagkatapos ng May Isang Pangarap with Carmina Villaroel.
Nag-isip muna sandali si Rico sabay buntong-hininga, “Kasi parang kapag may ginagawa akong serye, napapagod talaga ako, ‘tapos nauubos talaga ang oras ko.”
Aniya, mas marami pa sana siyang magagawa kung hindi nasasayang ang oras niya sa taping, “You think you can do other things kapag sinabing (Monday, Wednesday, Friday) lang naman ang taping.
Pero parang wala ka talagang nagagawa kasi, the next day, nakakauwi ka 8 a.m., ‘tapos out of town. “Pag-uwi mo sa bahay parang may sakit ka na, so huwag ka na lang gumalaw para hindi matuloy ang lagnat mo,” pahayag ng singer-actor-composer.
Pero inamin ni Rico na nami-miss din niya ang ganu’ng klase ng pagtatrabaho, “Parang after nu’n, lagi kong sinasabi, ayaw ko na. Pero after a while, gusto ko rin, kasi it’s something that I really enjoy.
“I enjoy the creative part and working with a team, and you’re creating something na hindi lang ikaw. It’s like having bandmates, ‘di ba? It’s something exciting, kaya lang nakakapagod po talaga,” hirit pa nito.
Nagpapasalamat pa rin siya sa ABS-CBN dahil ito ang nagbukas ng pinto para magamit niya ang talent sa akting, “To be fair po sa mga ino-offer nila sa aking project, parang alam naman po nila ang mga type of project na gusto ko.
“Parang binibigyan naman ako ng actor’s role, na parang napa-flatter nga ako dahil sa tingin nila, made-deliver ko, ‘yung schedule lang talaga (ang problema). Like if I do this, that means I have to do less music.
Like I said, limited din talaga ang time mo sa mundo to create,” esplika pa ng rock star. Inamin naman ni Rico na kung bibigyan siya ng chance para makagawa ng bago, ito at ang pagho-host sa isang variety show, “I actually wanna do live TV.
That’s what I wanna do now, like, a noontime show. That’s also something different to make people happy.” Ibinalita rin ni Rico Blanco na makakasama siya sa latest horror film ng APT Entertainment, ang “Liwanag Sa Dilim” kung saan gagamitin ang mga original composition niya, tulad ng title ng movie na pagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas, with Sarah Lahbati and Sunshine Cruz.
Samantala, tinanong din si Rico kung okay lang sa kanya na magkaroon sila ng reunion project ng mga dati niyang kasamahan sa Rivermaya, partikular na kay Bamboo, ang tugon ng binata, “If someone can make it happen, if my boys are all interested, why not.”
“But if that doesn’t happen, I’m okay. I’m happy creating new music. It’s also a kick, I guess, for some people who want to be nostalgic and relive the past,” hirit pa niya kasabay ng pagsasabing hindi siya mag-e-exert ng sobrang effort para sa isang a reunion project.
“No offense to Rivermaya, I love everything we’ve accomplished and I’m thankful because if it weren’t for Rivermaya, I wouldn’t be here. But siguro, ang wiring ko lang, I’m wired in such a way na I want to create new things and explore things that I haven’t done yet.”
At isa nga riyan ang collaboration concert nila nina Yeng at Gloc 9, ang “ICON: The Concert” sa Nov. 21, Friday, 8 p.m. sa Smart Araneta Coliseum produced by Cornerstone Concerts.
“It’s a celebration of OPM!” sey ni Rico sa kanilang concert na sinang-ayunan naman ni Gloc 9. “Tayo po ay mga Filipino and sobrang, sobrang lupit ng OPM, sobrang galing ng OPM. “Minsan, minsan nare-realize natin masyado tayong overwhelmed sa mga foreign acts and ako ay fan din ng foreign acts.
“Sabi ko nga pag may dumating dito na gusto kong foreign act, bibili talaga ako ng ticket, pero minsan siguro kailangan natin talagang tingnan ‘yung talagang roots natin as Filipinos at suportahan natin ‘yung OPM dahil sa paraan na ‘to mas mabibigyan natin ng opportunities ‘yung ibang artists,” aniya pa.
For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketnet outlets or visit ticketnet.com.ph.