USAP-USAPAN ngayon ang naisulat namin dito kahapon tungkol sa planong pagre-retire ni Kris Aquino sa showbiz. Marami ang nanghuhula na baka ito na ang sign ng pagtakbo niya sa darating na 2016 elections.
Ayon nga sa Queen of all Media, pwedeng sumabak siya sa politics sa 2016, pero pwede ring hindi, sabi nga niya nang makapanayam namin kamakailan, “Not in 2016!
Pero hindi ko tinatanggal ang possibility kasi, ‘yung some point in your life, you have to give back sa rami ng blessings na tinanggap mo. Pinag-usapan namin (ulit) ng mga kapatid ko ‘yun.
“I said na number one, kailangan teenager na si Bimb kasi ayoko na masabi niya na ‘my mom was never there’, e, ngayong artista at host ka, ganito na ang schedule, what more kung papasukin mo ang public life,” aniya pa.
At tungkol naman sa pagre-retire sa showbiz sa 2016 kung kailan din matatapos ang kontrata niya sa ABS-CBN, ang naging tugon ng TV host-actress, “Napag-usapan namin ito ng sisters ko while in Japan kasi we took a five-hour trip, sabi ko, I want the option na to walk away while on top, so it’s not saying na, kasi di ba ayaw mo na, hindi ka na bida.
“Hindi na pangalan mo ang bitbit para sa mga programa, gusto mong umalis na, na kung sino ka, parang magandang-maganda ‘yung legacy na iiwan mo, so naghahanda ako for that, naghahanda ako financially kasi may obligasyon ako sa mga anak ko,” paliwanag mabuti ni Kris.
Pabor ba siya sa sinabi ng kapatid niyang si Pangulong Noynoy Aquino na hindi na siya muling tatakbo sa ikalawang termino sa 2016.
“I never doubt it kasi I was sure, if there’s one thing na puwede akong maging proud of, hindi sakim sa kapangyarihan ang pamilya namin, so in the same way na hindi rin natin inakala na he would be the leader that he is today.
“I have full faith that somebody will emerge na mapagpapatuloy ang lahat ng magandang bagay na nasimulan niya and right now ‘yung nangyayari sa atin, lahat ng senate investigations, lahat ng lumalabas, masasala natin, makaka-decide tayo ng maayos kung sino pa and suwerte tayo kasi there’s enough time,” punto ng presidential sister.
Samantala, magkaibigang malapit sina Kris at Derek Ramsay kaya nahingan din siya ng komento tungkol sa pagkakasundo na ng aktor sa estranged wife nitong si Mary Christine Jolly.
“He hasn’t shared it, di ba pinost naman niya sa Instagram?” balik-tanong ni Kris. Pero hindi niya itinanggi na pinayuhan niya si Derek tungkol sa problema nilang mag-asawa dahil nga nanggaling na siya sa parehong sitwasyon sa ex-husband niyang si James Yap.
“Marami akong na-share sa kanya (Derek) about it and I just said, na ‘Derek look at me and James, who would ever thought na kaya naming mag-share ng parenting?
“Naayos namin the situation, but it took time and it took effort for both ends, parang ngayon na naramdaman ni Bimb na wala ng tampo, wala ng hinanakit, mas naging maluwag siya.
“Heto ha, sasabihin ko talaga, I really have to give credit to James girlfriend (Michela Cazzola) kasi I think malaking bagay talaga kung sino ‘yung bagong partner, kung magi-ging mabait sa anak mo at kung tutuusin, si Josh, step son lang, pero they always include him.
“Pag ganu’n na nakikita kong maligaya (mga anak), magaan para sa akin at hindi ako ‘yung (aayaw). Mas gumanda ang relationship namin kasi we can communicate openly and freely tapos super na proud ako for my son nu’ng pumunta si James at nag-basketball exhibition, so parang natuwa ako kasi isa ‘yun sa pinag-awayan namin dati.
“Pero ngayon, super tuwang-tuwa ako kasi kita ko ‘yung pride ng anak namin. This is what I’m telling Derek na at the end of the day what you want to happen is your son to grow up feeling loved, secure and to have closeness,” ani Kris.