Pinsan ni Kris walang arte, nakikipag-inuman sa kanto

jackie aquino
NU’NG isang araw ay naanyayahan akong mag-guest sa MTRCB’s Prangkahan program nina kaibigang Jackie Aquino and Bobby Andrews sa PTV4 with two other ladies (sorry, forgot their names but they’re very intelligent and sweet) on LGBT issues.

Siyempre, lutang ang utak ng lola Jobert ninyo dahil maaga ang calltime and as usual, late akong natulog the night before kaya kabado ako kung makakasabay ako sa discussion on some related issues about gays and lesbians.

Pero sa awa ng Diyos, masaya at smooth na tumakbo ang chikahan namin kasi nga napaka-eloquent ng hosts na sina Bobby and my dear friend Jackie.

I miss Jackie so much. Dalawang Jackie Aquino kasi ang kilala sa showbiz – yung isang Jackie ay nagdi-direct ng fashion shows and the Jackie that I am referring to is Kris Aquino’s first cousin, ang artistang anak ni dating Sen. Butz Aquino.

I truly love this lady – matagal ko nang kaibigan ito but it has been ages nang huli kaming magkita.We lost touch though alam kong she is connected with MTRCB already. Kaya lang wala talagang chance na magkita kami.

Matalino talaga itong si Jackie and very down-to-earth. Actually, kabaligtaran siya ng pinsan niyang si Kris who’s deep into the limelight. Si Jackie ay iba.

Nakikipag-inuman iyan sa kanto before with our other barkadang si Tito Ronnie Carrasco III. Ganoon siya ka-low profile.
“Na-miss kita Jobs. Alam mo bang nasusubaybayan pa rin kita. Lahat ng nakakaaway mo ay kaaway ko rin.

Ha-hahaha! Kahit sino pa basta hindi mo gusto ay automatic na hindi ko rin gusto because of our friendship,” aniya na sobrang ikinataba ng puso ko.

Same thing with me. Kahit sino sigurong makakagalit din ni Jackie ay kagalit ko na rin. Kumbaga, it’s normal sa mag-friends, di ba? Siya kasi ang tipong puwedeng mong bulungan ng mga sikreto mo pero she’ll keep it to herself. Hindi siya tsismosa.

She looked lovelier now. I like her beauty, very elegant. She’s happily married pero simple pa rin. Considering na Aquino iyan ha, hindi siya kailanman nagyabang about who she is.

Pero matapang sa buhay ang batang iyan – she is a fighter. Sana mas mapadalas ang pagkikita namin. Well, I will find a way. Ha-hahaha! I don’t know kung umiinom pa siya – sana.

Para mas masaya ang kuwentuhan pag merong konting bote ng beer sa harap, di ba?  Nice to see you again, my super love Jackie.  Mwah!

Read more...