Jaclyn kay Andi: Ayoko nang makialam sa kanila ni Jake!

jacklyn jose
Ayaw nang makialam ng More Than Words star na si Jaclyn Jose sa love affair ng anak na si Andi Eigenmann at Jake Ejercito.
During the presscon of More Than Words, Jaclyn was asked kung ano ang reaction niya sa balitang nagkabalikan na naman ang dalawa despite their differences and issues.

“Well, mabuti naman na nagagawa niyang lusutan on her own. Nakaya niyang lutasin. Actually, hindi naman niya ako nilalapitan for any advice. Ano naman siya, she can stand on what she can do,” claims Jaclyn.

Pero totoo bang nagkabalikan na ang dalawa? “Ayoko na ngang makialam, ‘di ba? E, ‘di ba, nagkabati na kami ni Andi, ‘tapos sabi ko, ayoko nang pakialaman ulit ang lovelife niya. Kasi, ayoko namang mag-away kami.”

She confirmed na hindi humihingi ng advice sa kanya ang anak, “Hindi siya nag-o-open up. Siguro, kailangan niya munang salain ang utak niya bago niya siguro sabihin sa akin, parang ganun.”

Read more...