Magiging BF ba ang crush?

Sulat mula kay Patricia  ng Bugo, Cagayan  de Oro City
Dear Sir Greenfield,
May crush po akong lalaki na tawagin na lang nating Aron. Classmate ko siya at isinilang siya noong November 7, 1995. Ako naman ay isinilang noong July 2, 1995. Napapansin ko pong lagi siyang nakatingin sa akin sa klase, pero hindi naman niya ako kinakausap. May pagkamahiyain siya, pero guwapo, cute, mabait at matalino. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang ligawan niya ako at maging boyfriend ko siya.
Umaasa,
Patricia ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May guhit na umangat, pasangang-pataas mula sa Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa pag-ibig, pakikipagrelasyon at sa lahat ng aspetong may kaugnayan sa damdamin ay kumbaga sa “manok na panabong, ikaw ay mananalo.” Ibig sabihin, sa larangan ng pakikipagrelasyon ay hindi ka mabibigo. Ang lahat ng ibigin at magustuhan mo ay kusang mapapasa iyo.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Ace of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ka lang sa pag-ibig susuwertehin kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. Ibig sabihin, likas kang suwerte at likas na sa iyo ang magkaroon ng magaganda at positibong kapalaran, habang ikaw ay lumalaki at nagdadalaga.
Itutuloy

Read more...