AKO po si Diane Javier. Itatanong ko lang po kung may bayad ba ang pag-enroll sa PhilHealth. Kasi po noong nagbigay po ako ng PMRF at tinanong po ako kung ako ay employed o hindi, sabi ko po ay gagamitin ko for employment. Ang sabi naman po sa akin ay dapat bayaran ko yung one quarter as voluntary member. Hinahanapan naman po ako ng PhilHealth nung pinag-aaplayan ko. Ano po ba ang tamang sistema?
REPLY: Bb. Javier:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa pagpaparehistro sa PhilHealth.
Ayon sa polisiya, katungkulan ng isang employer na iparehistro sa PhilHealth ang kanyang mga bagong empleyado sa loob ng 30 araw mula sa unang araw ng pagtatrabaho.
Punan lamang nang tama at kumpleto ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at ibigay sa inyong employer upang maisumite sa tanggapan ng PhilHealth.
Ipapadala ng PhilHealth sa inyong employer ang inyong Health Insurance ID Card na nagtataglay ng PhilHealth Identification Number (PIN) at ang kopya ng Member Data Record (MDR) kung saan nakalista ang mga qualified dependents.
Samantala, ang mga walang trabaho ay maa-ring magparehistro sa ilalim ng Informal Economy o bilang isang Individually Paying Member. Magsumite lamang po ng PMRF sa alinmang tanggapan ng PhilHealth at magbayad ng kaukulang kontribusyon na P600 para sa isang kwarter o P2,400 para sa isang taon.
Maari rin naman na magparehistro online. Mag-log on lamang sa www.philhealth.gov.ph , piliin ang Online Services sa homepage at i-click ang Electronic Registration at sundin ang mga hakbang sa pagpaparehistro. Isumite rin online ang scanned copy ng applicable supporting documents na kailangan. Kung online nagparehistro, ipadadala ng PhilHealth ang PIN at MDR sa email address na inyong ginamit. Ang ID card naman ay maaring kunin sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth.
Nawa’y amin pong natugunan ang inyong katanungan. Kung kayo ay may mga karagdagang katanungan o paglilinaw, maaari kayong mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph o tumawag sa aming call center (02) 441-7442 at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.