HUWAG maging bastos sa patay ngayong Undas. Ipinakita na ito ng in-yong ibinoto (hindi ko siya ibinoto dahil si-nubaybayan ko ang kanyang kawalang ginawa simula nang sapilitang pasukin niya ang politika).
Mantaking sabihin na hindi siya nagbibigay ng respeto sa pamamagitan ng pagdalaw sa labi ng patay na hindi niya kilala. Tama ka, dahil hindi ka pangulo ng mahihirap na tinawag mo pang boss bilang pakita ng pagkukunwari.
Ang araw-araw na dasal ng Katoliko ay bi-nabanggit ang “…sumasampalataya ako na mabubuhay na uli ang mga patay…” at “…ipanalangin mo ka-ming makasalanan, nga-yon at kung kami’y mamamatay…”
“…kasiyahan mo nawa ang aming mga kaluluma…” At ngayong Undas ay ang panalangin sa Reyna ng mga Santo, na isa lamang talata sa Litanya ng Mahal na Birhen.
Nakalulungkot, at nakadidismaya bilang practicing Catholic, na hindi alam ng anak nina Ninoy at Cory si Jesus na Banal ng Awa (Divine Mercy). Hoy, Noy, tanungin mo na lang si Ambassador Tantoco at dumalaw sa kanyang bahay!
Nakalulungkot, at nakadidismaya bilang practicing Catholic, na hindi alam ng anak nina Ninoy at Cory si Jesus na Banal ng Awa (Divine Mercy). Hoy, Noy, maging peregrino ka sa El Salvador, Misamis Oriental at magdasal sa malaking rebulto ng Banal na Awa na itinayo sa ibabaw ng bundok.
Noong Okt. 29 lamang inaprubahan ng pangulong nasa tuwid na landas ng MRT, DOTC, NFA, DA, DSWD, atbp., ang Yolanda rehab at recovery plan. Mapapahiya siya kay Pope Francis dahil wala na ngang rehab, wala pang recovery plan sa Palo at Tacloban.
Ah, kaya pala nagtagal ay hinintay pa ng pangulo ang susog ng OPARR, NEDA at YCRRP ng pulis na si Lacson. Naku naman, BS, bakit hindi ka nag-isip?
Umaaray ka na ba sa mahal na santasang kape? Ang isang sachet ay P7-P15. Pero, puwede palang gawing 50 sentimos na lang iyan kung papayagan lang ang pagbubukas sa lahat ng bayan, kahit sa Metro Manila, ng Robusta nurseries.
Dangan nga lamang at pinigilan ito ng mga nagdaang pangulo. At maging ang solterong si Aquino.
Ang kape na tanging inumin ng lahat ay pinagkakakitaan pa, gayung puwede naming hindi. Sa tumataas na presyo ng masarap na kape, tanging boss ni Mang Domeng na lang ang may kakayahang guminhawa.
MULA sa bayan (0906-5709843): Kumuha po kami ng kapatid ko ng RTC, MeTC at Fiscal’s clearance sa Caloocan. Siningil kami ng P50, pero walang resibo. Sa isang window, siningil kami ng P100, pero P75 ang nasa resibo. “Processing” daw ang P25.