DJ Mo nilait si Mariah Carey, niloloko raw ang mga Pinoy

dj mo
Nakisawsaw na naman si Mo Twister at nagparinig na naman sa kanyang Twitter account. This time, he took a swipe at Mariah Carey who was in the country recently for a concert.

Pinalalabas kasi ni Mo na niloloko lang ng international singer ang mga nanood sa kanyang concert. “So what song is Mariah currently lip-syncing?” he tweeted.

Siguro ay aware siyang maraming Hollywood concert stars ang talagang hindi naman kumakanta nang live kundi nagli-lipsynch lang.

Siguro, kung nabasa niya ang report na nagkalat si Mariah sa concert niya sa Japan at hindi nito naabot ang high notes ng kanyang kanta ay katakot-takot din na lait ang ibinato niya kay Mariah.

Si Mo pa!!! E, lahat na lang yata pinatulan at nakisawsaw. Bakit kaya hindi muna ang sarili mo ang unahin mong punahin para maiba lang?

Anyway, some Pinoy fans na nanood sa concert said na mukhang hindi naman lipsynch ang ginawa ni Mariah.

Read more...