Pagpatay kay Jennifer Laude nagiging ’KARNABAL’ na kaya di na sineseryoso

jennifer laude
Katarungan ang inaasam ng mga kapamilya ng pinaslang na transgernder na si Jeffrey Laude. ‘Yun din ang hiling ng ating mga kababayan. Dapat lang maparusahan ang Amerikanong marinong kumitil sa kanyang buhay.

Nakaririmarim naman kasi ang kinahantungan ng buhay ni Jennifer, dapat lang managot ang tumapos sa kanyang buhay, du’n lang siya makapaparehas sa kaganapang ito.

Pero sana’y matahimik na lang na tumakbo ang proseso, huwag na sanang magmistulang karnabal ang usaping ito, napakarami na kasing pumapapel at hindi na nagiging seryoso ang mga nangyayari.

Palaging nasa harap ng mga camera ang Alemang nakarelasyon ni Jennifer, nandiyan pa ang kanyang kapatid na babae na mukhang masyadong ine-enjoy ang pagpapainterbyu, naiintindihan namin ang damdamin ng isang inang namatayan ng anak pero mas maganda siguro kung tahimik na lang na lalaban ang nanay ni Jennifer at hindi ito palaging mapapanood sa TV na nagtutungayaw.

Intindido natin ang kanilang kalagayan, kung ano ang kanilang sigaw ay ‘yun din ang sigaw ng buong bayan, katarungan para kay Jeffrey Laude at dapat talagang mabulok sa kulungan ang Amerikanong pumaslang sa kanya.

Hindi dapat tulugan ang kasong ito, kailangang ituloy-tuloy ang imbestigasyon, kailangang makamit ni Jeffrey ang katarungang hinihiling ng kanyang pamilya.

Read more...