Luis mauubos ang kayamanan pag tumakbong Mayor sa Lipa

luis manzano
I CAME from Lipa City the other day – dumalo ako sa blessing ng bagong-tayong bahay ng kaibigan namin and co-Rotarian na si Papa Wendel Lucido and his beautiful wife Dra. Marizel Andaya-Lucido sa loob ng Summit Point Golf & Country Club.

Maganda ang disenyo ng house nina Papa Wendel, may pagka-American with a touch ng European, fusion nga siguro and the food was fabulous. Matagal-tagal din akong hindi nakakain ng pritchon na in-order pa nila sa Quezon City.

Siyempre, non-showbiz party iyon kaya parang nasa normal na mundo lang ako. Ha-hahaha!  Anyway, as usual, yung ibang friends namin na Rotarians ay nagtatanong sa akin ng latest sa showbiz and chika-to-death din naman ako sa kanila.

One of the topics na napag-usapan namin was Luis Manzano na balitang tatakbo sa pagka-mayor ng Lipa City na minsang pinagreynahan ng ina nitong si Batangas Gov. Vilma Santos.

Tinanong ko sila sa status ng political career na pinaplano ni Luis dahil babangga nga ito sa sobrang lakas sa Lipa na si Mayor Meynardo Sabile.

“Sikat si Luis, oo.  Pero mukhang mahihirapan siyang itaob ang incumbent mayor. Siya lang kasi ang nakatalo sa dating mayor dito na galing sa angkan ng malakas na political clan sa Lipa.

“Mukhang mahihirapan si Luis na manalo dahil marami rin ang disgustado sa naging palakad ng kaniyang ina when she was still mayor ng Lipa. Tingnan natin kung lulusot siya pero I doubt it,” anang isang barkada naming hindi Rotarian.

Nakilala namin si Mayor Sabile in many occasions ang he’s very charismatic, mabait at madaling kausap. And he comes from a rich clan too, matulungin daw ito at masayahin.

Kilala rin namin si Luis at sa pagkakilala namin sa kaniya, baka nga mahirapan siyang kunin ang loob ng mga botante. Kasi nga, masyadong mahigpit daw sa pera ang batang ito, puro pakabig ang dating.

Kaya kung ako sa kaniya, huwag na siyang tumakbo. Kasi nga, baka yung lahat ng naipon niya ay maubos lang sa kampanya. Hindi birong pera ang ginagastos ng isang pulitiko sa kampanyahan.

Iba ang naging estado ng ina niya when she raw for public office sa Lipa City. Vilma Santos iyon – Vilma is Vilma kumbaga. Yung popularity niya brought her to that seat.

Si Luis ay hindi kasing-sikat ng kaniyang ina at wala pa siyang naiwanang legacy sa Lipa City to win the people’s hearts.
“Masyadong matayog ding mangarap si Luis, ‘no! Akala niya siguro ay kakayanin niya ang laban.

Baka si Vilma Santos pa pero not her son Luis. Tsaka hindi masyadong maganda ang image ni Vilma rito when she was then mayor. Kasi nga hindi naman si Vilma ang nagpatakbo talaga ng Lipa City nu’ng mayor pa siya kungdi ang asawa niyang si Ralph Recto.

“Yes, she was mayor then and she goes to office once in a while lalo na pag flag ceremony pero ang tunay na utak ng pulitika niya sa Lipa was Ralph Recto. Alam niyo naman ang political dynasty ng mga Recto sa Batangas, di ba?

“Bumango lang naman sila ulit when Vilma came to their lives. Kaya mukhang mahihirapan si Luis – hindi kasi ganoon kabango na ang mga Recto sa Lipa,” sabi naman ng isa pang kausap namin.

Talaga? Marami namang aalalay na showbiz personalities kay Luis sakaling tumakbo siyang mayor – nandiyan si Angel Locsin na makakaagapay niya sa pag-iikot come campaign period.

Malaking tulong din iyon to gather crowds, ‘no! “Matalino ang mga botante ng Lipa. Alam na ng mga tao kung paanong lumaro ang mga Recto, pati na rin si Vilma.

Hindi kakayanin ni Luis ang makakalaban niya sa posisyon. “Ano naman ang alam ni Luis sa pamamalakad sa pamahalaan, aber? It’s a tough job. You have to have relationship with your constituents para manalo ka.

Anong relasyon ni Luis with people of Lipa, meron ba?  “Wala pa namang naitulong ang batang iyan sa mga tagaroon. Napakakuripot pa yata ng batang iyan kaya mas lalo siyang mahihirapan.

Magnegosyo na lang siya, ipagpatuloy na lang niya ang pag-aartista niya kaysa tumakbong mayor. Hindi siya mananalo. Believe me,” ang sambit naman ng isang kaibigan.

Paglabas ko ng party, may dinaanan akong isang barkada around the area at na-mention din ng grupo nila na hindi sila bilib kay Vilma at sa mga Recto. Kaya delikado pag tumakbo si Luis sa Lipa City, malaki raw ang tulog nito.

Read more...