Relasyong Jake-Bea sa kasalan din mauuwi

bea binene
WALANG duda, ang tambalan pa rin nina Bea Binene at Jake Vargas ang isa sa most promising loveteam sa GMA 7. In fairness, sila pa rin ang inaabangan sa GMA TeleBabad series na Strawberry Lane pagkatapos ng 24 Oras.

May mga nababasa nga kami sa social media na maswerte talaga sa isa’t isa sina Jake at Bea dahil kapag magkasama sila sa isang proyekto ay talagang sinusuportahan ng mga manonood.

Marami ring kinikilig sa mga eksena nila sa Strawberry Lane kaya mula nang magsimula ito hanggang ngayon ay humahataw pa rin ito sa ratings game.

Ngayong gabi, sa pagpapatuloy ng kuwento, bibisita sina Gabo at Paul sa Bahay Bagong Pangarap. Magkikita muli sina Paul at Jack. Habang nagsasanay si Jack na makapaglakad muli, mababati siya ni Paul at matutumba ito.

Dahil napahiya, masusuntok ulit ni Jack si Paul. Lalapitan naman ni Gabo si Clarissa para sana aminin ang totoo niyang nararamdaman sa dalaga. Pero mapapanghinaan si Gabo kaya’t aalis sila ni Paul na hindi pa rin nasabi ang totoo kay Clarissa. Kukutyain naman siya ni Paul.

Sa pagbalik ng mga magkakaibigan kina Elaine at Jonathan, magsisimula ang paghahanda para sa debut ni Lavinia. At kahit nakakakita na muli si Lupe, hindi niya ito aaminin kay George kaya’t makikita niya ito habang nagbibihis.

Makukulong naman sina Gabo at Clarissa sa isang kwarto at dito namasasabi ni Gabo ang totoong nararamdaman niya kay Clarissa. Ano ang magiging reaksyon ni Clarissa sa mga sinabi ni Gabo? Ano ang gagawin ni Lavinia sa oras na malamang si Clarissa pala ang gusto ni Gabo?

Anyway, marami namang fans nina Jake at Bea ang umaasa at nagdarasal na sana’y sila na ang magkatuluyan sa huli. Wish nila na matulad din sila kina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagsimula rin bilang loveteam pero sa kasalan nga ang ending.

Kahit naman si Jake ay very positive rin sa relasyon nila ng Kapuso actress. Ipinagpe-pray din niya na tumagal ang pagsasama nila ni Bea at mapagtagumpayan nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay.

Read more...