Horoscope, October 29, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: May kalungkutang madarama! Ganyan talaga lahat naman tayo ay dumadanas ng problema. Sa susunod na mga araw ay makakabawi ka rin. Sa pag-ibig, ang kasuyong Cancer ang nilalang na magpapasaya ng araw. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om”. Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, sa lakas ng loob kikita ka ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, bagong estilo ng pakikipagromansa ang dapat upang muling mag-alab ang relasyon. Mapalad ang 1, 7, 16, 25, 28, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra:  “Bhagava-Omita-Om.” Red at green ang buenas.

 Taurus – (April 20-May 20)— Mabilis na pagkilos ang dapat! Kung patuloy kang kukupad-kupad, mabagal din ang dating ng pera. Sa pag-ibig, wag mag-aksaya ng panahon, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na silid. Mapalad ang 6, 9, 27, 35, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Jana-Om.”  Violet at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Higit kang kikita ng malaking halaga kung sa halip na isip, emosyon at paawa-effect ang gamitin. Sa pag-ibig, patuloy ang sarap at ligaya habang nagpapatianod sa tinitibok ng puso. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare.” Red at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Maraming oportunidad ng pagkakakitaan ang darating habang lumalapit ang Halloween at ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, magugulat ka sa kakaibang kapusukan ng kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Om.”  Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Hindi sa kayabangan nakukuha ang pagpapayaman, kundi sa pagsisinop ng kabuhayan. Matutong magtipid at maging maabilidad sa lahat ng bay. Sa pag-ibig, ikaw na ang magpakumbaba upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.”  Orange at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Upang magtamo ng malaking kita ay kailangang kumilos ka. Simulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kagamitan. Sa pag-ibig, nagsasawa na ang kasuyo sa mga kuwentong walang kabuluhan; romansa ang kailangan niya.  Mapalad ang 2, 14, 27, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yokti-Om.” Gold at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Punuin ng pag-ibig ang bawat araw. Mahalin pang lalo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng tulong at salapi. Sa pakikipag-relasyon,  ipadama  pang lalo ang pagmamahal sa kasuyo upang hindi siya mawala. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag paglihiman ang kasuyo upang ang relasyon ay hindi mabalaho. Sa pagiging tapat at totoo ay dagdag na ligaya ang makakamit. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita mula sa mga produktong may kaugnayan sa butil. Mapalad ang 4, 7, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Purple at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat magtiis na lang! Kung hindi ka magsisikap at magsisipag, paano ka makakaahon sa kahirapan? Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang minamahal upang kumita ng maraming-maraming pera. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Katha-Upanisad-Om.” Black at red ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansyal, upang umunlad at yumaman pairalin ang ugaling materyoso.  Sa pag-ibig, pairalin ang pagiging mapagmahal upang lalo pang lumigaya at sumaap relasyon. Mapalad ang 6, 11, 30, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om.” Maroon at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Ipagpatuloy ang pagiging makulit. Sa pinansiyal, sa kakukulit sa kliyente ay kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kulitin ang minamahal upang makuha ang iyong gusto. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Gosvami-Om.” Yellow at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, mas magiging maligaya ang pakikipagrelasyon sa kasuyong Aries kung lagi kang susunod sa kanya. Mapalad ang 1, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram,” Blue at maroon ang buenas.

Read more...