Assunta maraming problema kaya hindi pa rin mabuntis

assunta de rossi
Matagal nang kinakarir ni Assunta de Rossi at asawang si Jules Ledesma ang paggawa ng baby, pero mukhang minamalas nga dahil until now  ay wala pa rin silang anak.

Ayon kay Assunta sa interview ng The Buzz, noon pang 2008 nila gusto ng asawang kongresista na magka-baby pero hindi pa rin sila makabuo, isa sa mga dahilan daw ay stress.

“Gusto namin since 2008 pa kaso ang daming nangyari. Nu’ng 2008, noong nagkakaroon ng global crisis, ng economic meltdown, kaming dalawa we made a commitment na saluhin namin lahat sa San Carlos.

We are putting everything in our two haciendas in San Carlos. Lahat yun tinaya namin because we are putting everything in a trust. Mabusisi siya so laging nabubulilyaso,” paliwanag ng aktres.

Minsan nga raw ay napu-frustrate na siya dahil may panahon na wala na silang oras para sa kanilang mga sarili at pamilya. “Kunyari we want to relax, time is a luxury we don’t have, eh.

Minsan dumdating na sa point na nakaka-frustrate din kasi hindi lang naman yun, we are both busy sa careers namin and ang daming istorbo. Ang dami namin kailangan asikasuhin lagi,” ani Assunta.

Pero sa kabila nito, naniniwala pa rin ang misis ni Jules Ledesma na makakabuo rin sila ng sarili nilang baby. Ikinasal ang dalawa sa San Carlos City noon December, 2002.

Read more...