SEEMS like hindi matapos-tapos ang issue sa ex-couple na sina Carla Abellana and Geoff Eigenmann. Marami ang nakisawsaw, kanya-kanya nang banat and the latest that we saw in one not-so-popular website was about a fan na binanatan nang todo ang anak ni Gina Alajar.
Say ng never-heard fan na ito ni Carla, dapat ay nagsalita si Geoff about the break-up at hindi ‘yung nakatunganga lang siya. She dropped hints na merong third party sa hiwalayan nina Geoff and Carla and it was the former who’s at fault dahil meron daw itong ibang babae.
Tinira rin ng hitad ang pagmumura ni Geoff sa social media. Sinabihan pa itong mag-post naman ng magagandang photos sa kanyang Instagram account dahil ang pangit ng pino-post nitong pictures.
Pati nga ang pagrampa ng actor sa isang fashion event ay nilait din nito. Hindi na nakatiis si Gina Alajar at pinatulan ang faney ni Carla, “Such foolishness to create an account to say worthless comments,” say ni Gina.
You think nagpaawat na ang hitad? Hindi, ‘no! Nagyabang pa ang potah na meron siyang kakilang press, may kakilala sa TV5 at GMA 7. Say pa niya, noon pang My husband’s Lover ay nagkakalabuan na sina Carla at Geoff.
Gina retorted, “You just identified who you are. Thanks.” Easily discernible ang tila pahiwatig ni Gina na alam niya kung sino ang faney na nagpapanggap lamang para sirain si Geoff.
Ang feeling namin ay si Carla ang iniisip ni Gina na gumawa pa ng account para lang sirain ang kanyang anak. Ganu’n na ba talaga kadesperada si Carla para pag-aksayahan pa ng panahon ang ex-BF niya?