Vice malaking kawalan sa Showtime, 2 buwan mawawala

vice ganda
Mawawala na si Vice Ganda sa It’s Showtime.

That’s the rumor floating around social media. Magpapahinga na raw muna ito ng matagal-tagal at hindi naman daw nito makakaya na ang araw-araw na pagho-host ng noontime show.

Ang say sa social media, nagpaalam na daw si Vice sa management ng show at pinayagan naman daw ito. Kaya nga meron daw nag-post na kasama sa production ng show saying na nasa-sad siya sa desisyon ni Vice Ganda  pero since alam niyang pinag-isipan  naman itong mabuti ay proud pa rin siya sa stand-up comedian.

True ba ang chikang two months lang naman daw magpapahinga si Vice pero babalik rin ito sa It’s Showtime? Actually, marami ang alarmed kung true nga na mawawala nang matagal si Vice sa noontime show.

Sa kanya kasi nakaangkla ang programa, siya ang nag-iisang bumubuhay sa show. Paano na ngayon kung mawawala siya? Nauna nang sinabi ni Vice na kailangan niyang umalis muna sa programa dahil sa problema niya sa throat.

Kailangan daw muna niyang asikasuhin ito dahil kung hindi baka mawalan siya ng boses. We feel na baka next year na umapir sa noontime show niya si Vice Ganda, that is, kung matutuloy nga ang kanyang bakasyon.

Read more...