Bossing nagpapatayo na ng bahay para kay Pauleen

vic sotto
Hindi man diretsahang sinabi ni Pauleen Luna, mukhang hindi na rin siya umaasa na pakakasalan siya ni Bossing Vic Sotto. Nabasa namin sa isang entertainment website ang statement ng TV host-actress when asked kung napag-uusapan na nila ni Vic ang kasal.

“Yung pag-change ng status, I think that’s very easy. Mas importante yung commitment ko with him, and I think I’m fully committed. So I don’t think there’s gonna be a problem naman,” says Pauleen.

Reading between the lines, seems like, hindi na rin siya hoping sa wedding. We believe na mahal talaga ni Vic si Pauleen but we doubt kung may plano pa siyang mag-settle now that he’s already 60.

Sabi nga niya in one interview, “Sa edad kong ito, makikipaglaru-laro pa ba ako sa relasyon?”  Perhaps, ang plano lang ni Bossing ay mag-live in sila ng girlfriend – the latest we heard ay nagpapatayo na ito ng bahay para sa kanila ni Pauleen.

Read more...