Tawa kami nang tawa sa naging chikahan ng isang matrona at ng kaibigan niyang bading the other night sa isang gimikan.
Para silang mga gutom na gutom at uhaw na uhaw habang pinag-uusapan si Coco Martin.
Say ng matrona, “Handa akong gumastos ng milyon makasama ko lang si Coco Martin kahit isang gabi o kahit mga two nights! Pwede na akong mamatay kapag nangyari ‘yun!”
Sagot naman ng nagmamayamang bading, “Lahat ng gusto niya, ibibigay ko, lahat ng kailangan niya buy ko talaga, pumayag lang siya na magkulong kami sa isang kwarto.
Tapos gagawin ko sa kanya ang lahat ng pantasya ko! Ha-hahaha!”
Kaloka, di ba? Mapababae, mapamatrona at mapabading, talagang si Coco ang gustong matikman! Ha-hahaha!
Well, wala tayong magagawa diyan, hindi natin sila masisisi kung maglaway sila sa leading man ni Julia Montes sa primetime series na Walang Hanggan ng ABS.
Si Coco ang man of the hour ngayon kaya siya ang gustong papakin ng mga manonood!
Anyway, sunod-sunod na awards na naman ang hinakot ni Coco recently, kinilala siya bilang Natatanging Aktor ng Dekada ng Gawad Tanglaw Awards at Best Actor naman ng KBP Golden Dove Awards, PMPC Star Awards for TV, USTV 2012 Awards, at Northwest Samar State University Students’ Choice Awards for Radio and TV para sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.
Bukod diyan, number one pa rin sa ratings game ang Walang Hanggan, sa listahan ng top overall TV programs sa bansa humataw ito sa 37.5% national TV rating.
Huwag palampasin ang mga bagong rebelasyong gigimbal sa buhay ng mga karakter sa Walang Hanggan gabi-gabi, pagkatapos ng E-Boy sa ABS-CBN.