Mayaman ang mapapangasawa (2) | Bandera

Mayaman ang mapapangasawa (2)

Joseph Greenfield - October 26, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Sherwyn g Matalava East, Lingayen,
Pangasinan
Problema:
1. Hindi po ako nakatapos ng high school kaya naman sa edad kong 26 ay nahihiya po akong manligaw, kasi ang babaing nakukursunadahan ko ay tapos ng college. Bagamat may trabaho naman po ako bilang collector/messenger sa isang lending investor, at maayos na suweldo pakiramdam ko sa sarili ko ay hindi pa rin sapat ito,
upang magustuhan ng nililigawang kong babae. Sa ngayon ay wala siyang boyfriend at nakakakuwentuhan ko po siya ng madalas, kaya lang parang nagdadalawang isip akong ipahayag ang pag-ibig ko sa kanya.
2. Kung malalaman kaya niya ang damdamin ko, patulan kaya niya ako kahit hindi ako edukadong tao. Lahi po kasi sila ng mga edukadong tao at may kaya rin po sa buhay ang kanilang pamilya dito sa amin sa Lingayen. Septmber 16, 1988 ang birthday ko at December 29, 1989 naman ang babaing nililigawan ko.
Umaasa,
Sherwyn ng Lingayen, Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Capricorn naman ang babaing napupusuan mo ang nagsasabing tugma at sadyang compatible kayo, sapagkat ang Virgo at Capricorn ay kapwa nagtataglay ng iisang elemento – ang elementong earth o lupa.
Numerology:
Ang birth date mong 16 at 29 naman ang babaing nililigawan mo ang nagsasabing tulad din sa Astrology tugma at compatible ang birth date na 16 at 29, sapagkat ang nasabing mga birth date ay kapwa pinaghaharian ng planetang Moon-Neptune na may elementong tubig. Kapag kayo ang nagkatuluyan may isang romantiko at masayang relasyong mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang palarin ang inyong relasyon kung sakalaing sasagutin ka na niya at magiging girlfriend at tuluyang mapapangasawa mo na siya, lagi kayong gumamit ng kulay na berde at dilaw. Sa nasabing kulay lalong iinit ang inyong pagmamahalan at lalo pang mas uunlad ang itatayo ninyong pamilya.
Huling payo at paalala:
Sherwyn ayon sa iyong kapalaran, nakatakda na ang magaganap, isang babaing maputi, makinis ang balat, chinita ang tabas ng mukha at maganda ang iyong mapapangasawa, hindi lang iyon, dagdag dito, bukod sa maganda, mayaman o may kaya rin ang kanilang pamilya. Kung ganyan ang description ng babaing nililigawan mo sa ngayon, tiyak ang magaganap sa taong 2016 sa edad mong 28 pataas, siya na nga ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending