Netizens tinira-tira ang kabit serye nina Erich, Jason at Kaye

jason abalos
We’re sad that GMA 7’s first bayani serye Ilustrado failed to get a high rating on its pilot episode. Tinalo pa ito ng starlet serye ng Dos na pinagbibidahan nina Jason Abalos, Kaye Abad at Erich Gonzales.

Nakakuha ng 11.5% ang Ilustrado laban sa kabit serye ng Dos na nakakuha naman ng 20.9%. Baka naman kasi wala pa si Alden Richards dahil nagsisimula pa lang ipakilala ang characters sa Ilustrado.

Ang feeling namin, hindi pa sanay ang televiewers sa historical shows sa TV, mas gusto pa nila ang contemporary program na tumatalakay sa mga kabit. Kasi naman, mas may reality ang ganyang tema dahil maraming Pinay ngayon ang nagiging kabit ng mga amoy-lupang gahaman sa laman.

Nangulelat man sa rating, marami pa rin naming sumusuporta at nagtatanggol sa Ilustrado. “Di nga makagawa ng ganyan ang dos.. d sila mkagawa ng out of the box theme.. puro hacienda na lng ang concept nyo.. wlang bago.. hindi creative,” one guy said.

“Hndi kc kayang gawin ng ebak ang mga na gawang teleserye ng gma…lahat nlng remake o xerox copy o kya pag hubarin nla ang mga starlet nla pra my ma sabe lng,” comment naman ng isa pa.

Read more...