Binay lalo lang nababaon

WALO sa 10 Pilipino ay nagsasabi na dapat humarap si Vice President Jojo Binay sa Senado, ayon sa resulta ng bagong Pulse Asia survey.

The actual figure is really 7.9 out of 10 persons, pero ni-roundup ko na lang.

Dapat daw harapin ni Binay ang mga akusasyon na ipinukol sa kanya ng dati niyang mga kaalyado sa Makati City Hall, sabi ng mga taong nakapanayam ng Pulse Asia.

Sinabi ng mga dating kaalyado ni Binay, kasama na ang kanyang dating vice mayor na si Nestor Mercado, na malaking patong ang nakuha ni Binay sa mga proyekto ng siyudad. Kabilang na rito ang P2.7 bilyong Makati City Hall Building II.

Ayaw paunlakan ni Binay ang imbitasyon ng Senate blue ribbon subcommittee upang maihayag niya ang kanyang panig.

Sinasabi lang ng dating Makati mayor at ngayon ay Vice President na pawang kasinungalingan ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sa kanyang reaction sa Pulse Asia survey, sinabi ni Binay na siya na mismo ang magdadala ng kanyang kaso sa taumbayan at sila ang maging hukom.

Mapapahiya lang si Binay kapag hinarap niya ang taumbayan tungkol sa mga alegasyon sa kanya.

Kung direktang makikipagpulong siya sa taumbayan, baka siyam sa 10 katao o 98 percent ang magsasabi sa kanya na siya’y nagsisinungaling sa pagtanggi niya na siya’y nagnakaw sa kanyang mga constituents sa Makati.

At dahil ayaw niyang humarap sa Senado, sasabihin ng taumbayan sa kanya na hindi siya bagay na maging pangulo.

Nakabaon sa malalim na mabahong dumi si Binay. Kung sa English pa, he’s in deep shit.

Nang papunta ako sa aking opisina sa DWIZ noong Martes, naka-tune in ako sa isang radio program kung saan ang dalawang lalaking hosts ay nakikipag-usap sa mara-ming tagapakinig ng kanilang programa.

Halos lahat ng comments sa mga listeners na tumawag sa programa ay hindi pabor kay Binay.

Isang listener na tumawag ang nagsalita na humahanga siya kay Binay noon dahil nakita niya na maganda ang serbisyo nito sa Makati bilang mayor, pero nagbago na ang kanyang pagtingin kay Binay dahil sa mga alegasyon sa kanya.

Isang Fil-Am na babae who called from Chicago ang nagsabi na dapat harapin ni Binay ang Senado.

Ngunit may isang caller na nagsabi na si Binay ay mabait na tao at mananalo siya ng landslide sa 2016, pero sa tono ng kanyang boses ay mukhang binayaran siya ng kampo ni Binay.

Kumanta pa ang dalawang hosts ng bahagi ng kanta na “It’s a Sin to Tell a Lie” na patama kay Binay sa kanyang mga pagtanggi sa mga alegas-yon na siya’y napaka-corrupt na opisyal.

Kahit na ang kaalyado ni Binay, si Sen. JV Ejercito ay nagsasabing dapat harapin ni Binay ang Senado.

“He should answer the issue head-on if there’s a chance, if only to [put the issue to rest,” sabi ni Ejercito.

Si JV Ejercito ay anak ni dating Pangulo at nga-yon ay Manila Mayor Erap na presidential candidate ni Binay noong 2010 elections.

Natalo si Erap, pero si Binay, na vice presidential candidate, ay nanalo.

Kasinungalingan at pawang mga kasinungalingan ang naririnig kay Binay at kanyang mga alipores tungkol sa mga alegasyon laban sa kanya.

Sinabi ng kampo ni Binay na nag-offer si Pangulong Noy ng tulong sa kanya dahil sa mga “kasi-nungalingan at walang basehan na paratang sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang asawa na si Elenita Binay” na dating mayor din ng Makati.

“Paano ako makakatulong,” sabi raw ni P-Noy kay Binay.

Walang ganoong offer galing sa Pangulo, sabi ng aking source sa Malakanyang.

Paano naman daw magbibigay ng offer ng tulong si P-Noy kay Binay samantalang marami siyang hinaharap na problema, sabi ng source.

“Pati ba naman yan ay poproblemahin ko pa?” sabi daw ng Pangulo kay Binay nang humingi ng tulong si Binay na patigilin ni P-Noy ang
imbestigasyon ng Senado sa kanya.

Read more...