Dahil sa mga sex joke: Wenn Deramas nag-sorry kina Angel, Sarah, Coleen

wenn deramas
Kung hindi ninyo talaga kilala ang ampon naming si Luis Manzano, tiyak na lagi ninyong mami-misinterpret ang mga hirit niya. Sa presscon ng “Moron 5.2: The Transformation” ay parang nag-one-man show ang magaling na TV host dahil sa mga punchline niya para kina Billy Crawford, Matteo Guidicelli, DJ Durano at Marvin Agustin.

Talagang napuno ng halakhakan at masayang kantiyawan ang presscon dahil sa mga sundot ni Luis na bonggang-bongga namang sinakyan  ng buong tropa nila.

Ultimo ang mga sex jokes nila kay Matteo ay maayos nilang naitawid, lalo na rin yung tungkol sa mga sukat ng “bukol” nila na napag-usapan dahil sa ilang eksena nga nila sa “Moron 5.2” ay may mga “bumakat”.

Very consistent si Luis sa pagmamalaking sila nga ni Billy ang nagpapalakihan ng “notes” pero mas lamang daw siya bilang meron daw siyang lahing African.

Kahit nga raw nakaupo siya ay nahihirapan siya dahil sa laki ng kargada niya. Umabot pa ang joke sa kanyang “balls” matapos ikuwento ng kanilang direktor na si Wenn Deramas na nakita na niya ang “lahat-lahat” kay Luis noong ginagawa nila ang “Petrang Kabayo” ni Vice Ganda.

Pero kasabay nito, seryosong humingi ng dispensa ang direktor sa lahat ng na-offend sa mga sex jokes nila. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga dyowa ng moron 5 – Angel Locsin, Sarah Geronimo at Coleen Garcia – na nadadawit sa mga kanegahan sa social media dahil  sa kanilang sex jokes during the presscon.

On a serious note, puring-uri nina Billy, Luis at Matteo si Marvin sa “Moron 5.2” na tinawag na nilang “kuya” at “tito” bilang respeto raw sa mas “nakatatanda” sa kanila sa larangan ng pag-arte.

“Siya talaga ang may shocking factor dito, ibang klaseng mag-adlib, grabe ang timing at mga hirit niya,” sey ni Luis nang tanungin namin kung sino sa kanilang lima ang pinaka-nakakatawa sa movie.

Although siyempre bongga rin niyang pinapurihan ang mga moments ng bawat isa. Si Matteo nga raw ang klase ng aktor na madaling katuwaan dahil sa mga normal nitong reaksyon sa mga bagay-bagay. “Hindi niya alam na nakakatawa na siya by simply having a facial expression.

Pambihira sa isang artista yun,” ani Luis.

Read more...