Nanay ni Carla napikon, tinalakan ang bashers ng anak

carla abellana
Ipinagtanggol ni Rea Reyes ang anak niyang si Carla Abellana laban sa bashers nito na nagngitngit nang husto nang laitin ng aktres ang isang unnamed person at pati bank account nito ay kanyang pinagdiskitahan.

Some say na ang ex-BF niyang si Geoff Eigenmann ito. Hindi naman nagpaawat ang isang follower at pinagsabihan si Rea ng, “Please teach your daughter @carlaangeline na man that having more money does not mean you are above people.

That does not give her the right to look down on other people. I thought she was classy and may breeding. Her true colors are showing.” “What do you know about Carla. Don’t believe everything you read and then judge  based on that.

You are DEAD WRONG about her lady,” sagot naman ng mommy ni Carla. Merong isang fan na nagsabing dapat ding maging aware si Carla sa kanyang ipinopost. Sinabi rin niyang kaya naman ipinagtatanggol ni Rea ang kanyang anak ay dahil ito ang nagpapalamon sa kanya.

Dapat daw ay turuan niya ng right values ang anak  niyang si Carla. Ano kaya ang mase-say rito ni Carla na pati ang madir niya ay nadadamay na sa pamba-bash ng mga tao sa social media?

Kasi naman itong si Carla parang hindi nag-iisip, basta makapagtaray lang ay kung anu-ano ang pino-post, parang hindi nakapag-aral.

Read more...