NAG-TRENDING ang #KathNiel sa Twitter recently dahil umapir pala sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla sa The Ellen DeGeneres Show.
Now, they did not appear as guest in the show but one of the audience lang.
Yet, the impact that the two created is something not to sneer at. Kumalat kasi ang video nila sa YouTube bilang isa sa mga audience ng show.
Merong auction na ginawa sa show ni Ellen at isa sa mga ipina-auction ay isang mug.
One woman bid for $1,700 at siya ang nagwagi. Umupo si Ellen sa tabi ni Kathryn para pirmahan ang mug kaya kitang-kita silang dalawa ni Daniel. Actually, meron ding nag-bid ng $1,800 for the same mug and Ellen was more than delighted to give her a copy of her signature mug.
Parami na nang parami ang Pinoy celebrities nating nagiging part ng audience sa show ni Ellen Degeneres. In the past ay nakitang nasa audience sina Enchong Dee, Aga Muhlach, Elmo Magalona, Julie Anne San Jose and sisters Toni and Alex Gonzaga.