Deniece may STD, nahawa sa kulungan?

demiece cornejo
Napanood namin ang interview ni Deniece Cornejo where she denied na meron siyang STD or sexually transmitted disease. Halos isang buwan na ang nakalipas matapos siyang makalabas sa kulungan after posting bail para sa mga kasong isinampa sa kanya ni Vhong Navarro.

And we can say na medyo fresh na ang aura niya ngayon. She strongly denied na meron siyang nakakahawang sakit na nakuha niya raw sa kulungan, tsismis lang daw ang kumalat na balita sa social media na may impeksiyon siya sa kanyang private part.

“Sabi ko nga, I still have faith despite what happened, na kailangan ko pa ring lumaban para sa sarili ko at sa pamilya’t mga kaibigan ko. And I don’t have STD, wala akong ganyang sakit.

Kung kilala mo naman ang sarili mo, hindi mo kailangang matakot. Wag na lang patulan.” Deniece is now busy sa kanyang online business at balik din siya sa kanyang hobby na pagpe-paint. At least medyo natahimik na siya.

Read more...