KathNiel excited na sa remake ng Pangako Sa ‘Yo

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Excited na ang Teen King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa bago nilang teleserye  sa ABS-CBN, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ito ng milyun-milyong fans ng KathNiel loveteam hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Pinatunayan nina Kathryn at DJ na hindi lang dito sa bansa malakas ang kanilang tandem, kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ginanap na ASAP Live sa Los Angeles, USA ay sila ang talagang tinilian ng mga Pinoy doon. Kaya super happy at excited sila nang mabalitaan ng mga kababayan natin na sila ang magbibida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo. Sabi nga ni Daniel, “Malaking project ang aming gagawin kaya kailangang abangan.”

Read more...