HOROSCOPE, OCTOBER 24, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Kakaibang pag-ibig ang mararanasan. Mag-ingat sa immoral pero nakakikilig na relasyon. Sa pinansiyal, unti-unting aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi habang lumalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”. Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Fire o init ang elementong taglay ng Aries. Ang negosyong kandila ang mag aangat ng kabuhayan patungo sa pag-unlad ngayong Halloween Season. Sa pag-ibig tuloy ang masayang pakikipa-relasyon sa isang Leo. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Pink at blue ang buenas

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, ngitian ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, patawarin ang kasuyo na malimit magkasalan. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Purple at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Hindi masamang humingi ng tulong! Sa pinansyal, kung sadyang nagigipit humini ng tulong sa isang Aquarius, hindi ka nya tatanggihan. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang alalahanin, malaki ang maitutulong nya. Mapalad ang 5, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ang dagdag na suwerte at kaligayan ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang isang ka-dugo nangangailangan upang lalo kang suwertehin sa aspetong pang-pinansyal. Sa pag-ibig, naiinip nang naghihitay ang isang Capricorn, pagbigyan mo na siya. Mapalad ang 3, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat may magandang kapalarang naghihintay. Sa pananalapi, higit kang kikita ng malaking halaga sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, sa abroad makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Gold at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Isang maikli ang buhok at cute ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyong mga problema. Sa pag-ibig, kung paiiklian ang buhok higit kang magiging kaakit-akit. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Karma-Ashana.” Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Isang kaibigang may hatid na mabuting balita, isososyo ka niya sa isang produktong magpapaangat sa iyong kabuhayan – sunggaban ang minsang pagkakataon! Sa pag-ibig, isang dating kakakilala ang lihim mong makakarelasyon. Matamis at masarap na ugnayan ang mabubuo. Mapalad ang 2, 17, 29, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Vidya.” Orange at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pananalapi, lalong uunlad ang kabuhayan kung iiwasan ang kaimmoralan. Sa pag-ibig, tandaang ang maling relasyon ay lilipas din, wag magpatianod sa kapusukan. Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Red at blue ang buenas

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag-alaga ka ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sayong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang kuwintas na may desenyong ibon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Naraya.” Pink at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugan pagmumkha ang higit na umuunlad at yumayaman. Kung medyo chubby ka na ngayon, ibig sabhin malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, isang payat ang lihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty is in the eye of the beholder.” Red at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi ang panlabas na anyo ang nagpapaligaya, bagkus nasa looban ng puso! Sa pag-ibig iwasang humanga sa mga magagandang babae o sa mga magagandang lalaki, kabiguanh lang ang mahihita mo sa kanila. Sa pinansyal, tama ka aanihin mo ang maraming-maraming pera, kung bokya parin sa pag-ibig. Mapalad ang 3, 21, 18, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Krato-Om-Joviyo.” Blue at brown ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo, upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa isantabi mo na ang puso, sa panahon ngayon salapi ang higit na mas mahalaga at dapat pahalagahan. Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pera-pera lang, Walang personalan!” Mint green at red ang buenas.

Read more...