PINAIYAK nina Billy Crawford, Luis Manzano at iba pang miyembro ng cast ng pelikulang “Moron 5.2: The Transformation” si Matteo Guidicelli.
Sa presscon kahapon ng pelikula produced by Viva Films, ikinuwento ni direk Wenn Deramas ang ginawang “pambu-bully” kay Matteo ng kanyang mga kasamahan noong kasagsagan ng pagsu-shooting nila.
Ayon sa direktor talagang napaiyak daw ang boyfriend ni Sarah Geronimo nang i-goodtime nga ito nina Billy, Luis, DJ Durano at Marvin Agustin.
Kuwento nito, kasama raw kasi ni Billy si Matteo ilang oras bago ito makulong sa Taguig Police Station 7 dahil sa sobrang kalasingan.
Nu’ng makalabas na ng kulungan ang host ng It’s Showtime at mag-report na sa shooting ng “Moron 5.2″, nag-text daw ito sa tropa, kuwento ni direk Wenn, ‘O gu-good time-in si Matteo kunwari galit ako at hindi ko siya kakausapin.’ So lahat kami nu’ng dumarating prepared kami.
So nu’ng sinasabi ko sa kanya (Matteo) na ‘Bro, huwag na,’ seryoso na ito, paiyak na siya.” Pero hindi pa rin naniwala si Matteo kaya nilapitan nito si Billy, pero hindi pa siya pinanasin ng TV host-actor. Dagdag ni direk Wenn, “Paiyak na talaga siya.
So sinabi ko na na, ‘hindi totoo, joke lang.’ Eh ayaw na niyang maniwala. Umiyak na siya talaga.”Nilinaw naman ni Matteo na hindi siya ang nag-imbita kay Billy na uminom pagkatapos ng Star Magic Ball.
“Hindi po ako ang nagpainom, ‘yung isang kaibigan namin, basta close friend namin. Tapos umalis na ako. Tapos gumising ako, nandoon na siya (sa police station),” paliwanag ng aktor.
Na-guilty daw talaga siya sa nangyaring iskandalo kay Billy, “Siyempre! On a serious note, eh shocked po talaga ako. Kaibigan natin si Billy, we were very concerned. Si Luis nga ang unang unang pumunta sa police station and we were all concerned.”
“The next day pumunta siya sa shooting at sobra ang eye bags niya, sobrang stressed niya, siyempre they are all there to comfort him. “I felt sort of responsible dahil we are one group. But he is good now, everything is good,” hirit pa ng BF ni Sarah.
Samantala, showing na sa mga sinehan ang “Moron 5.2” sa Nov. 5 nationwide, kasama pa rin dito si John Lapus bilang si Becky Pamintuan na siyang kontrabida sa buhay ng moron 5 na kanyang ipinakulong dahil naniniwala siyang ang mga ito ang pumatay sa kanyang ama.
Sa pagbabalik ng buong tropa sa part 2 ng “Moron 5”, may kanya-kanya nang pamilya ang limang bida at wala silang kamalay-malay sa pagtakas ni Becky sa mental asylum.
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, aakalain ng lima na binigyan sila ng super powers at dito na nga magsisimula ang mga nakakaloka at nakakabobong adventures ng Moron 5.