Mahirap din ang sitwasyon ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Habambuhay na maikukumpara ang binatang ito sa kanyang ama. Hindi magkakaroon ng sariling pagkakakilanlan si Iñigo dahil hindi mawawala sa isip ng mga Pinoy na si Piolo Pascual ang kanyang ama.
Kahit pa madalas sabihin ni Piolo na hindi niya papayagang mag-artista ang kanyang anak dahil ang gusto niya ay ang magpatuloy ito ng pag-aaral sa Amerika ay wala siyang nagawa.
May natapos nang pelikula si Iñigo at lumalabas na rin sa ilang shows ng ABS-CBN, kaya ang kagustuhan niyang mag-aral muna ang bagets ay hindi nangyari, mas umiral ang pangarap ni Iñigo na sundan ang mga yapak ng kanyang ama.
May sariling katangian si Iñigo, pero ang pagkukumpara ay hindi maiiwasan, palaging ihinahambing ang itsura ng binata sa kanyang guwapong ama.
Wala raw sa kalingkingan ng kakisigan ni Piolo si Iñigo, kapag pinagtabi raw sila ay di hamak na mas may panghalina pa ang nagkakaedad nang aktor kesa sa nagbibinata niyang anak, magiging mahirap para sa bagets ang pagkakaroon ng sariling identity.
Nakakaawa naman si Iñigo.