NAIS ng dalawang mambabatas na lagyan ng motorcycle lane ang mga pangunahing lansangan sa Cagayan de Oro City.
Ayon kina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez isa na sa pangunahing sasakyan ang motorsiklo kaya dapat tikayin ang kaligtasan ng mga nagmamaneho nito.
“With the ever increasing prices of petroleum products, more and more Filipinos turn to other modes of transportation that would help themreduce their dependence on oil, which leads them to motorcycles and even bicycles,” saad ng dalawa sa House bill 4173.
“Also, the heavy reliance of motor vehicles/cars promotes an unhealthy lifestyle and is causing terrible traffic congestion, unnecessary stress and even countless accidents.”
Kaakibat umano ng pagmomotorsiklo ang panganib na dala nito sa mga nagmamaneho. “However, while there are benefits produced by shifting to motorcycles and bicycles, it cannot be denied that there are also negative effects.
One of this is the increase of accidents involving motorcycles and even bicycles,” dagdag pa ng dalawa sa panukala. “Motor vehicles tend to have no respect for motorcycles and bicycles and would ignore them on the streets while motorcycles and bicycles temp faith by weaving thru traffic undisciplined and without any concern for their fellow motorists.”
Sa lalim ng panukala, lalagyan ng motorcycle at bicycle lane ang national arterial at secondary roads sa CDO. Ang lane na ito ay tatawaging Respect for Bike Riders Lane.
Ang espesyal na lane na ito ay ekslusibong magagamit ng mga sasakyang dalawa ang gulong at mayroong lapad na isang metro.
Bawal na ang lane na ito ay paradahan o harangan kahit na pansamantala lamang at pananatiling bukas para sa mga magdaraang two-wheel drive vehicles.
Ang iligal na gagamit sa bike lane ay pagmumultahin ng P5,000. Ang Department of Public Works and Highways ang naatasan para gumawa ng bike lanes at mangalaga nito.
MOTORISTA
Magandang araw po sa bandera. ask ko lang po kung anong oil ang pinakamagandang ilagay sa makina ng aking motor. 2-stroke po ang motor ko na nabili ko ng second hand sa pinsan ng GF ko. 3 yrs old na raw po ang motor na ito.
— J.C. (…9002)
BANDERA
Bawat unit ng motorsiklo ay may recommended lubricant or engine oil sang-ayon sa SAE (Society of Automotive Engineers).
I’m sure na mayroong nakasaad na ganito sa motorcycle manual.
Hindi mo nailagay kung anong cc (cubic cylinder) ang motor mo pero kung 100 to 150 cc lamang ito ay puwede kang gumamit ng lubricant na SAE 40 na angkop sa klima ng bansa.
The higher the SAE number, the thicker the oil. There’s no need to put thicker oil for 100-150 cc bikes. You don’t need to buy imported brands. Kahit local, pwede na yan!