AKO at ang kasama kong si Jovelyn Alcalde ay dalawang beses nang hindi natuloy patungong Jordan para magtrabaho bilang mga domestic helper. Hinarang kami ng Immigration kaya hindi kami nakaalis.
Noong una, ang sabi sa amin ng Immigration ay expired na po ang
aming Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) kaya hindi kami nakaalis. Inayos po namin ang aming PDOS.
Sa pangalawang pagkakataon ay hinarang na naman kami ng Immigration at ang reason for denial na kanilang ibinigay ay dahil daw saa verification of OEC/E- receipt.
Sa ngayon ay parang nawawalan na kami ng ganang umalis siguro nga ay hindi kami nakatadhana para magtrabaho sa ibang bansa. Sana po ay matulungan kami ng Aksyon Line at mabigyan ng payo.
Salamat po ng marami.
Rodelyn Adlawan
REPLY: Agad na idinulog ng Aksyon Line sa Department of Labor and Empoyment (DOLE) ang kaso ng nina Rodelyn at Jovelyn para mabigyang aksyon ang kanilang concern.
Nabatid na isa sa dalawa ay nakapagtrabaho na sa Jordan bilang domestic helper at naipakulong ng kanyang amo dahil sa isang maliit na kasalanan.
Sa isa masinsinang pakikipag-usap, tinanong ni DOLE director for Communications Nicon Fameronag ang dalawa kung nais ba talaga ng mga ito na magtrabaho sa ibang bansa. Ang naging tugon ng dalawa ay wala silang pagpipilian dahil wala naman silang makitang trabaho dito sa ating bansa.
Dahil dito, inalok sila ng DOLE na bibigyan ng puhunan at mga gamit sa negosyo na gusto nila.
Magsisimula ng panibagong pag-asa ang dalawa sa pamamagitan ng pagnenegosyo sa tulong na ipagkakaloob ng DOLE sa mga ito.
Agad naman na nagdesisyon ang dalawa na huwag nang umalis sa Pilipinas at magnegosyo na lamang dito sa ating bansa.
Ngunit kung sakaling gustuhin pa rin nila na umalis o magtrabaho sa ibang bansa, maaari naman silang kumuha ng Overseas Employment Ceritificate (OEC) sa POEA at kumpletuhin lamang ang kinakailangang mga requirements.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.