Kim Chiu na-shock sa mga pasabog ni Coco

KIM CHIU AT COCO MARTIN

KIM CHIU AT COCO MARTIN

Sobra ang papuri ni Kim Chiu sa leading man niya sa seryeng Ikaw Lamang na si Coco Martin na magtatapos na ngayong Biyernes. Bukod kasi sa napakabait na tao ni Coco ay napaka-professional pang katrabaho.

“Yung dedication niya sa trabaho, iba. Pag nakita n’yo siya sa set, parang hindi siya ’yung normal na Coco na nakakakuwentuhan mo, nakakatsika mo, iba. Nandu’n ’yung professionalism na parang sabi ko, ‘Ay puwede pala yung ganito,’” paliwanag ni Kim nang makausap namin kamakailan sa taping ng Ikaw Lamang.

“Tapos minsan, tatahimik na lang ‘yan. Tapos magpapasabog na lang pag eksena na. Kaya pala siya nagku-concentrate du’n sa malayo kasi may gagawin pala siyang kakaiba. Tahimik lang siya, hindi mo siya makakausap. Pero pag eksena niya, ’yun na pala yun.

“Ang galing. Ang dami ko talagang natutunan sa kanya at sa buong production, at sa iba pa naming co-stars. Hindi lang ‘yung basta umarte ka, kundi ‘yung involved ka sa lahat, sa kabuuan. Hindi naman masamang magbigay ng opinyon,” kuwento ng dalaga.

At sa tanong namin kung ano ang pangarap na role ni Kim, “Gusto ko ‘yung lumilipad naman.”

So, dream din ni Kim ang gumanap na Darna? “Kahit ano, basta lumilipad, ‘yung nakakagawa ng kahit na ano. So ‘yun ang gusto ko, kasi marami na rin akong nagawang teleserye, gusto kong ma-experience naman ‘yung pambatang serye laging pampamilya kasi,” sey ng dalaga.

Read more...