Korina tsutsugihin daw sa TV Patrol dahil kay Mar; Kris damay

korina sanchez
Kawawa naman si Korina Sanchez kung true ang kumakalat na chikang balak siyang tsugihin sa TV Patrol. Korina is such a GOOD and CREDIBLE newscaster and that separates her from her ilk.

Ang chika kasi, gusto na raw tsugihin ng ABS-CBN News Department si Korina dahil tatakbong presidente ang dyowa nitong si DILG Sec. Mar Roxas.

So what kung tatakbo si Sec. Mar? Ano naman ang kinalaman doon ni Korina, ‘di ba? Kasalanan ba ng news anchor na tumakbo ang mister niya?

But it appears na very wary ang Dos na maaaring maka-influence si Korina kung araw-araw itong makikita sa TV Patrol.
Eh, bakit si Kris Aquino hindi nila tinanggal sa shows nito noong tumakbong presidente si Noynoy?

Sa evening show nga ng Queen of Talk ay panay ang tanggol niya sa brother-president niya kapag nasasangkot ito sa issue. Does it mean that ABS-CBN is favoring Kris over Korina? Bakit tila laging si Kris na lang ang pinapaboran ng Dos? Bakit siya na lang lagi ang kinakampihan?

Yes, we felt that way. Sa Dos ay may kinikilingan, may pinoprotektahan. Ayaw ng GMA 7 ng ganyan!!!

Read more...