Kylie pinagbawalang banggitin ang pangalan ni Aljur Abrenica

kylie padilla
Speaking of Aljur Abrenica, todo iwas si Kylie Padilla sa pagsagot ng mga tanong about her ex.

Pagandahan ang dalawang leading ladies ni Alden Richards sa kasisimula pa lang last night na Ilustrado ng GMA News sa TeleBabad after Strawberry Lane. Whereas Solenn Heussaff has that European beauty befitting her role as Nellie Boustead, Kylie is the epitome of Filipinas beauty bilang si Leonor Rivera.

This is her return to GMA primetime as her last was Adarna pa end of 2012 and beginning of 2013. Older and wiser, marunong nang sumagot properly si Kylie sa interviews.

Kung ilang manunulat ang nagpilit na magtanong sa kaniya about her ex Aljur and what Kylie did is talk about her partner sa Ilustrado or the other guy sa upcoming movie niya. Hindi pilit ang sagot niya so hindi nau-offend ang press.

Kami, we went directly to her manager to ask about Kylie’s ex at sabi ni Betchay Vidanes, utos talaga nila na umiwas na siya sa kasasagot about Aljur para hindi siya mapagbintangang ginagamit niya si Aljur.

Ito naman kasi ang naglalabasang balita. Isa pang tsimsis about Kylie, talaga raw tinanggap niya ang Ilustrado para maka-partner si Alden, ang sinasabing competition ni Aljur sa GMA noon na siyang dahilan kung bakit ito umalis.

Simple answer lang daw, maliit ang talent pool ng A list stars of their age kaya magkakasama at magkakasama sila ni Alden, hindi man ngayon, sa ibang soaps na by that time ay talagang out of conversation na si Aljur. Oo nga naman.

Read more...