Aljur Abrenica walang pinagkakakitaan, naghihirap na?

aljur abrenica
Maraming nanghihinayang sa mga panahong lumilipas na walang nangyayari sa career ni Aljur Abrenica. Maraming proyekto ngayon sa GMA 7 na bagay na bagay sa kanya ang mga role, pero sa iba na ibinibigay, dahil inireklamo nga niya ang network kung saan ipinanganak ang kanyang karera.

Sana raw ay hindi nagpadalus-dalos si Aljur, sana raw ay kinausap niya na lang nang masinsinan ang mga ehekutibo ng network, sana raw ay may kinang pa rin ang kanyang pangalan hanggang ngayon.

Sa reklamong ihinain ni Aljur Abrenica ay ganu’n nga ang kanyang ginawa, naghintay siya ng tamang pagkakataon para tugunan ng istasyon ang kanyang hiling, pero walang nangyari.

Totoong nakapanghihinayang ang mga lumilipas na panahon, pero nu’n pa man ay nakahanda na sa ganitong senaryo ang aktor, alam niya na sa linya ng pakikipaglaban para sa kanyang karapatan ay siguradong maaapektuhan ang kanyang trabaho.

Mabuti na lang at suportado si Aljur ng kanyang pamilya, maganda ring napaghandaan na ng aktor ang kanyang kinabukasan, walang katotohanan ang kuwentong walang-wala nang pinagkukunan ngayon si Aljur Abrenica.

May kabuhayan ang kanilang pamilya.

Read more...