Jason Abalos walang ginawa kundi maghubad sa Two Wives

jason abalos
Laugh kami nang laugh sa comment sa Twitter na baka raw mapulmonya si Jason Abalos dahil palagi itong nakahubad sa latest soap opera niya sa Dos.

Bigay na bigay siyempre si Jason sa paghububad dahil lead star siya at dalawa pa ang kanyang leading ladies na prehong starlet naman. After seven years yata at nagging bida na sa primetime si Jason.

Ang nakakaloka, kabitserye na naman ang bagong palabas ng Dos. Parang wala nang ibang maisip na teleserye ang network kaya naman in-adopt nila ang isang foreign soap about mistresses.

Napansin lang namin lately, ang mga soap operas natin ay parang about sa kabit na lang. Usung-uso na yata ang drama about mistresses. Kasi naman, maraming artista rin naman kasi ang naging kabit.

‘Yung madir ng isang young star ay dati palang kabit ng isang married guy na nagtatrabaho sa isang network. Kahit na alam niyang may asawa ang guy ay pinatulan pa rin ng madir ng young star.

Makapal din naman siyang tunay, ‘di ba? Meron namang isang celebrity rin na puwedeng tawaging Pambansang Kabit ng Pilipinas dahil high profile siya, talagang taas-noo pa siya kung makaasta.

‘Yung isang network executive ay meron ding asawang merong kabit. Ano ba ‘yan, puro na lang kuwentong kabit ang mga teleserye natin. Is art imitating life?

Read more...