Derek: Kahit kailan hindi ko ginamit sa kaso si Kris!

derek ramsay
When it comes to marriage, lagi naming maaalala si Derek Ramsay. Nagwala sa galit si Derek when  ABS-CBN reported his marriage sa isang primetime newscast nila.

Galit na galit  ang hunk actor noon, talagang ang feeling niya ay trinaydor siya ng namamahala ng newscast. Ang nakakaloka rito kay Derek, galit na galit siya gayong totoo naman pala na nagpakasal siya.

Hindi ba’t nakakaloka, ‘yun. Kung ayaw niyang ma-report na nagpakasal na siya, eh, di sana siya nagpakasal, ganoon lang kasimple ‘yon. Ang mga artista talaga, minsan hindi nag-iisip. Simple lang naman ang rule sa showbiz.

Kung ayaw mong masulat na married ka na, ‘wag kang magpakasal, tapos ang kuwento. At bakit ka naman magagalit sa network gayong true naman pala ang story sa ‘yo.

Magalit ka sa sarili mo dahil hindi mo maamin ang isang bagay na ginawa mo naman pala. Anyway, nag-react si Derek sa mga naglalabasang balita na ginagamit lang niya si Kris Aquino na isa nga sa presidential sister, para maimpluwensiyan daw ang kaso nila ni Mary Christine Jolly.

He denied na tinutulungan siya ni Kris sa mga kasong kinakaharap niya, he even said, “Tanungin ninyo pa si Kris kung natulungan niya ako in that way.

The only way that Kris has helped me is being a friend. She reminds me to keep my head up, but that’s it. Ang gusto ko lang naman dito is pantay yung laban, e.”

Read more...