Jonalyn Viray umamin: Natatakot talaga akong bumirit!

jonalyn viray
The third GMA Diva, meanwhile, is staging her own concert. Speaking of Jonalyn Viray, sorry we missed out her presscon for her next solo concert organized by GMA Artist Center, ang “#Fearless: The Repeat”.

It will be staged again sa Music Museum and this is her second major concert na ni Jonalyn na magsisilbi rin bilang isang benefit concert para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Dahil sa tagumpay ng unang “#Fearless” noong Pebrero, napagdesisyunan na ulitin ito. Isang kakaiba at bolder version ni Jonalyn ang masasaksihan ng mga manonood.

Special guests sa “#Fearless: The Repeat” sina Tom Rodriguez, Thor at Queen of Soul Jaya. Si Jonalyn ang first ever Grand Champion ng singing talent search na Pinoy Pop Superstar, at mula noon, nakita at narinig na ang husay niya sa iba’t ibang mga tours, guestings at variety shows gayon din sa pag-awit niya ng teleserye theme songs.

Isa na nga rito ang ending theme ng My Husband’s Lover na “Help Me Get Over” na tinanghal kamakailan bilang Song of the Year sa 6th PMPC Star Awards for Music.

Talking about fearless, alam n’yo ba na ang isa sa mga kinatatakutan ni Jonalyn ay ang pagbirit? Inamin niya na kapag nasa stage na siya ay hindi mawawala ang fear factor, lalo na kapag kailangan na niyang bumirit.

Huwag palampasin ang “#Fearless: The Repeat” ni Jonalyn ngayong Nov. 14, 8 p.m. sa Music Museum. Para sa tickets, tawagan ang Ticketworld at 899999 o ang Music Museum at 7210635.

Ngayon please inform us kung tama ang pagkakatanda namin that the first concert was co-produced lang ng GMA Artist Center and mostly by her new manager.

Tama rin ba ang narinig namin that for the repeat, it’s GMA Artist Center who is the major producer and Jonalyn’s manager as co-producer status lang?

Read more...