Coco Martin type gumanap na Panday | Bandera

Coco Martin type gumanap na Panday

Reggee Bonoan - October 19, 2014 - 03:00 AM

ikaw lamang
SAYANG at wala si KC Concepcion nang dumalaw kami sa taping ng Ikaw Lamang noong Biyernes ng gabi sa Barangay Immaculate, Cubao, Quezon City para sana makumusta namin tungkol sa pagkakasakit niya (dengue).

Ayon sa direktor ng serye na si Malu Sevilla, “Bilib nga ako sa batang ‘yun, naka-confine pero nagwo-work, after ng taping niya, babalik siya sa hospital, tatapusin lang daw niya itong eksena, nagpaalam lang siya.”

Say ng staff ng serye ay hindi na makakasunod si KC sa next location (kung saan kami bumisita kasama ang iba pang katotot) dahil hindi pa siya tapos sa mga eksena niya sa Mandaluyong kung saan ang unang location nina Coco Martin at Kim Chiu dahil kailangan na nitong bumalik sa hospital.

Bagamat tumaas na ang platelet ni KC ay hindi pa rin siya totally pinapayagang i-discharge ng doktor dahil under observation pa siya, ‘yun nga lang medyo matigas ang ulo ng aktres dahil umaalis siya ng hospital para mag-taping sa Ikaw Lamang bilang si Natalia.

“Hindi rin siya masisi kasi gusto niyang tapusin lahat ng eksena niya lalo’t patapos na kami. Kaya bilib kami sa batang ‘yun talaga,” diin pa ni direk Malu.

Samantala, iisa ang tanong ng press kay direk Malu, bakit pinatay ang karakter ni Joel Torre bilang si Samuel gayung sandali palang silang nagkikita’t nagkakasama ng anak niyang si Gabriel (Coco) at ng babaeng lubos niyang minahal na Isabelle (Amy Austria).

“Ha-hahaha! Ano gusto ninyo, si Franco (Christopher de Leon) ang patayin kaagad? Wala ng istorya. Ganu’n talaga. Ha-hahaha!” natatawang sagot ng direktor.

Muling kinlaro ni direk Malu na supposedly sa unang linggo pa ng Nobyembre ang pagtatapos ng Ikaw Lamang, “But since malapit na ang bakasyon, sinama-sama na namin lahat ng October kasi sinong manonood ng before November 1? Hindi na mapapanood ang mga natitirang highlight sa Ikaw Lamang, sayang naman.”

Naikuwento rin sa amin ni direk Malu na sa tatlong project na pinagsamahan nila ni Coco ay marami nang ipinagbago ang aktor, “Marami kaming natututunan sa isa’t isa, I learned from him, he learned from us.

Iba-ibang karakter at sa tatlong karakter niya, maraming nabago, malalim na aktor si Coco, malaki pa ang ii-improve niya.”

Speaking of Ikaw Lamang, inamin ni Coco Martin na nakararamdam na sila ng pagkalungkot dahil patapos na nga ang serye nila nina Kim Chiu at KC.

Sabi ni Coco, isa ang Ikaw Lamang sa mga seryeng talagang nahirapan siya (Juan dela Cruz ang pinakamahirap), “Siyempre unang-una, isa ito sa madugo na project na nagawa ko from the past kasi nu’ng nag-present kami, nagkaroon ng romcom (romatic comedy), ngayon naman bumabalik medyo action drama.

“Ngayong patapos na, nandoon ‘yung impact na mas lalo kayong nagiging close sa isa’t isa,” anang Teleserye King.
“Actually, mas nahirapan ako kay Gabriel, kasi ‘yung past siyempre, nage-establish ka ng isang character.

Ang problema nu’ng nag-present na kami pumasok sa amin ‘yung medyo light, romcom, e, medyo mahina ako sa anggulong ‘yun. “Yung mga panahong ‘yun, nakakapit ako kay Kim kasi siyempre ‘yung may eksena kami (light), si Kim kasi magaling siya so, nagpapaalalay ako, siya ang nagdadala and in terms of character, nahirapan din kami kasi iisang artista na kami rin ‘yun na magkaiba ‘yung character na kailangan mong bantayan ‘yung nuisances na nagawa mo sa past na hindi mo magagawa sa present,” paliwang ng aktor.

Ano naman ang masasabi ni Coco tungkol sa leading lady niya, “Kay Kim, unang-una matagal din kaming hindi nagkasama, ngayon sa tingin ko, ang lalim-lalim ng pagtingin niya sa trabaho dati kasi sanay siya na laga-lagare.

“Maopinyon kasi ako lalung-lalo na sa trabaho, pag may nakikita ako na mas makakatulong o ikagaganda ng eksena, nagsa-suggest ako, si Kim that time tahimik lang, pero later on ganu’n na rin siya, sabi nga, mas daig ng maraming isip o utak ang isa,” tugon ng aktor.

Sa eksenang namatay si Samuel (Joel Torre) at umiyak nang husto si Gabriel, talagang nag-trending ito worldwide kaya ang tanong sa aktor kung paano niya ito naitawid, “Kumbaga nahinog ‘yung character at the same time, alam ko ‘yung pinanggagalingan kasi ako rin naman ‘yung gumanap sa past bilang Samuel.”

Samantala, wala pang seryeng gagawin ang aktor pagkatapos ng Ikaw Lamang, “Baka po next year na, pahinga muna kasi may movie pa.” Dagdag ni Coco, parang mas type niya na bumalik sa fantaserye at gumanap na superhero.

Sa tanong namin kung sinong superhero ang susunod niyang gagampanan, “Wala pa, happy pa ako kay Juan dela Cruz. Pero nu’ng bata ako marami akong gusto, pero sa atin si Panday bilang Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa foreign, hindi naman puwede si Superman,” nakangiting sabi ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending