Pang-aapi sa lipunan

KUNG kayang dukutin at patayin ng nasa kapangyarihan ang mga taong kilala sa lipunan at di kilala’t karaniwang naghahapbuhay lamang, paano pa kaya tayo, ang mahihirap at sumasabit sa jeepney at tricycle na kaya-kayang burahin sa mundo anumang oras na itakda nila?
Kung tayo’y magrereklamo sa makapangyarihan, politiko man ito, barangay chairman, tanod o sinumang nakaririwasa’t nakalalamang sa atin sa buhay, pakikinggan kaya tayo?  Kung di sinasadyang natapakan natin sila, tagasalo na lang ba tayo ng ngitngit ng kanilang galit?
Kung dinededma lang ang mga pamamaslang kina Salvador “Bubby” Dacer at Emmanuel Corbito; at ang pagkawala kay Edgar Bentain pagkatapos ibunyag ang pagsusugal ng noon ay Vice President Joseph Estrada sa casino, dahil wala naman talaga tayong pakialam sa kanila, puwede pang palampasin ang pangamba na balang-araw ay magiging biktima rin tayo ng may kapangyarihan?
Kikibo ka ba, o magsasawalang-kibo na lang?

BANDERA Editorial, 092309

Read more...