“Biyaheng Langit”

Sulat mula kay Katryn ng Gelerang Kawayan, San Pascual, Batangas
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon mahal na mahal ko siya kasi since high school palang ay kami na. Ang problema wala po siyang trabaho at hindi tapos ng college, samantalang ako po ay tapos ng kursong HRM at may magandang trabaho sa isang fast food company. Kaya hindi boto sa kanya ang mga magulang at kapatid ko. Paminsa-minsan ay nagkakaroon siya ng side line kapag bumibiyahe siya ng papasaherong dyip at pag may pagkakataon pag day off ko ay naisasama nya pa ako ng palihim sa biyahe. Nagagalit kasi ang mga magulang ko kapag nalalaman nilang sumasama ako sa biyahe sa boyfriend ko. Minsan ay bumiyahe kami at ng medyo hapon na akala ko ay gagarahe na kami yon pala lumiko siya sa isang motel at doon niya first time na nakuha ang pagkababae ko. Ang tanong ko compatible po ba kami  at kami na kaya ang magkakatuluyan kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya. May pag-asa kaya na magkaroon siya ng matatag na trabaho para payagan na ang relasyon namin ng mga magulang ko. August 13, 1988 ang birthday ko at April 7, 1987 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Katryn ng Batangas
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang  Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang first boyfriend mo siya na rin ang magiging last na nakatakda mong mapangasawa at makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang simple pero masayangh pamilya.
Cartomancy:
Ang Three of Spades (Illustration 1.) ay nagsasabing may opsiyon sa inyonhg pagiibigan, ngunit sa susunod na taong 2015 hanggang 2016, ang barahang Six of Heart at Five of Diamonds (Illustration 1) ang nagsasabing papaboran din ng mga magulang mo at kapatid mo ang iyong boyfriend dahil sa nasabing panahon 2015 hanggang 2016 may isang mabunga at mabiyayang paglalakbay na magaganap sa kanyang karanasan.
Itutuloy…

Read more...