Binay binatos ni PNoy sa kanilang meeting

BAKIT tatanga-tanga yata ang kapulisan sa Los Baños, Laguna?

For the second time, may ginahasa na namang estudyante ng University of the Philippines at Los Baños (UPLB) ilang gabi na ang nakararaan.

Ang panghahalay ay nangyari at the same spot kung saan ginahasa at pinatay ang isa pang UPLB student tatlong taon na ang nakararaan.

Dapat ay natuto na ang pulisya ng Los Baños nang mangyari ang unang panggagahasa at nagtalaga ng police patrol sa nasabing lugar.

Pero, gaya ng pulisya sa ibang lugar sa bansa, walang ginawa ang mga pulis ng Los Baños upang huwag nang mangyari ang ganoong krimen.

Talagang wala kang maaasahan sa Philippine National Police (PNP). Karamihan sa mga miyembro nito ay nagkakamot lang ng kanilang mga ari.

Upang masugpo ang paglaganap ng krimen, kinakailangan na magronda ang mga pulis sa kalye at hindi lang nakaupo sa kani-kanilang mga presinto.

Ang pangunahing trabaho ng pulis ay pigilin ang pagganap ng krimen. Pa-ngalawa lang ang paghabol o pagtugis sa mga salarin matapos ang krimen.

Crime prevention is more important than running after suspects after a crime has been committed.

Pero ang alam ng karamihang miyembro ng PNP ay tugisin ang kriminal matapos magsabi ito ng krimen o lutasin ang isang krimen.

Kaya’t maraming krimen ang nagaganap dahil hindi nagroronda ang mga pulis sa kalye.

The sight of a uniformed policeman deters crime. Ang isang masamang-loob ay magdadalawang isip na gumawa ng krimen kapag nakita niyang may unipormadong pulis sa isang lugar.

Pero ano ang ginagawa ng mga pulis?

Naghihintay ng report na may krimen na nagaganap sa isang lugar.

“Secret” ang sagot ni Vice President Jojo Binay sa mga reporters nang tinanong siya kung ano ang pinag-usapan nila ni Pa-ngulong Noy nang sila’y nag-meeting sa Malakanyang.

Pa-misteryo effect pa siya.

Ang meeting ng dalawang lider ng bansa ay naganap matapos na banatan ni Binay ang administrasyong Aquino sa isang convention ng mga abogado.

Sinabi ni Binay na minamaltrato ni PNoy si da-ting Pangulong Gloria at kinukonsinte niya ang Philippine National Police chief na si Alan Purisima na inaakusahan ng corruption.

Umaga binanatan ni Binay si PNoy at naganap ang kanilang meeting kinagabihan.

Ngayon, sasabihin ko sa inyo kung ano ang naganap sa meeting nina PNoy at Binay.

Hiningi ni Binay ang meeting, ayon sa aking espiya sa loob ng Palasyo.

Pinaghintay daw ng matagal si Binay bago siya hinarap ng Pangulo.

At hindi masaya ang kanilang pag-uusap, na gaya ng pinalalabas ng kampo ni Binay, dahil seryoso ang mukha ng
pangulo.

Ang una raw na hiniling ni Binay kay PNoy ay patigilin ang imbestigasyon sa kanya ng Senate blue ribbon subcommittee.

Ang nasabing subcommittee ay inaalam ang naiulat na gross overprice ng construction ng Makati City Hall Building II.

Ilang dating tauhan ni Binay, kabilang ang dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, ang tumestigo sa komite na korap na korap ang Vice President noong siya’y mayor pa ng Makati City.

Deny to death naman itong si Binay sa mga alegasyon laban sa kanya, pero ayaw itong dumalo sa hearing ng komite.

Anong sinagot ni Pangulong Noy sa kahilingan ni Binay na ipatigil niya ang imbestigasyon ng Senado?

Ayon sa aking espiya, sinagot siya ng P-Noy ng ganito: “Jojo, hindi ako puwedeng makialam sa ginagawa ng Senado dahil ito ay independent. Isa pa, marami akong mga problema—ang kinatatakutang paglaganap ng Ebola virus na maaaring dala ng ilang OFW, ang pagpatay ng isang transgender sa Subic, ang paglikas ng ilang residente na malapit sa Bulkang Mayon. At pati ba naman ang problema mo ay poproblemahin ko pa rin?”

Those were not the President’s exact words, pero yan ang buod ng si-nabi ni PNoy sa kanyang Bise Presidente.

Hiningi rin daw ni Binay na easy lang si PNoy kay dating Pangulong Gloria.

Hindi raw sumagot si P-Noy kay Binay at bagkus ay binigyan siya nito ng ngiting aso.

Nang umalis na si Binay, sinabi raw ng Pangulo sa kanyang staff: “Kung meron pang maisampang kaso kay GMA, isampa na rin natin.”

Ibig sabihin ay binastos si Binay ni P-Noy.

Read more...