ISANG pensioner ang aking ama at matagal-tagal na rin na nakakakuha ng benepisyo mula sa SSS. Ang aking ama ay si Ginoong Loreto A. Soriano at may SSS no. 03-1078078-0.
Nabalitaan ko po ang tungkol sa adjustment sa mga hindi napasama sa encoding para sa SSS benefits noong taong 1985-1989. Gusto ko na itanong kung maaari rin bang maka-claim ng adjustment ang aking ama?
Gumagalang,
Anna Leah
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms Anna leah, ang iyong ama na si Gg. Loreto Soriano ay kwalipikado sa adjustment dahil sakop siya sa hindi naisamang beni-pisyo mula ng makuha ang pension sa taong 1985 hanggang 1989.
May apat na taon din ang kanyang adjustment pero kinakailangan muna na magtungo sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar para maipa-manual at kung aprubado na ay saka mag-request ng adjustment sa SSS.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.