Yeheyyy! Mamayang gabi ko na mapapanood ang “The Trial” na talk of the town ngayon dahil naimbitahan ako ni kafatid na Sylvia Sanchez sa celebrity block screening ng movie sa Shangri-La Mall.
Masasaksihan ko na ang pinananabikan kong Star Cinema film na ito starring John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Vince de Jesus and Sylvia Sanchez directed by Chito Roño.
Sobrang ganda raw kasi ng movie na ito and thank God, available ako tonight. Di ba’t sinabi kong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko mapapanood ang “The Trial” sa sinehan dahil maganda raw ang istorya at acting ng lahat ng artistang kasali rito? Minsan lang ako manood ng movie kaya – kasi nga feeling busy ako.
Kung yung actor sa blind item natin ay sobrang bilib sa kaniyang kaguwapuhan, ako naman ay sobrang bisi-bisihan kahit hindi naman talaga lagi. Kaniya-kaniya lang talaga ng trip, di ba?
Gusto kong mapanood yung eksena sa film kung saan nag-uusap daw sina Sylvia at Gretchen dahil sinugatan ng mga kaklase niya si John Lloyd sa noo dahil nga special child daw ito.
Nakakaiyak daw yung parteng iyon. Napaka-moving daw ng dialogues ni Sylvia sa scene na ‘yun, who plays the tomboy-mom of the mentally-challenged Lloydie.
I can’t wait to watch that scene kaya paghahandaan ko talaga iyan ng tissue papers tonight. Ayokong magdala ng tuwalya as Sylvia suggests at baka isipin ng mga taong maliligo ako sa loob ng sinehan. He-hehehe!
Hayaan ninyo, pag napanood ko na ito mamaya, mas bongga ang magiging kuwento ko about the film sa DZMM sa Monday. Big deal para sa akin ito. Congrats sa Star Cinema. Iba kayo talaga gumawa ng pelikula.
Maganda at matino. Ang sabi pa nga sa amin, hindi imposibleng maka-grandslam daw si John Lloyd sa susunod na awards season dahil sa napakagaling na performance niya sa “The Trial”.