DEAR Aksyon Line,
Sumulat na rin po ako noon sa Aksyon Line para sa pension ng tatay ko at salamat po sa Aksyon Line dahil natulungan kami para sa pension ng tatay ko at ngayon po ay mahigit na rin sa isang taon nakakakuha na siya ng pension sa SSS.
Pero isang araw pumunta ang uncle ko sa bahay namin at naikuwento niya ang tungkol sa adjustment ng SSS. Pinayuhan niya ako na magtanong sa SSS kung maaari pong makakuha ng adjustment ang tatay ko. Malaking tulong po para sa kanya lalo’t nakakaranas na siya ng pagtaas ng blood pressure. Marami na rin siyang maintenance na gamot. Sana ay matulungan ninyo kami.
Ang aking ama ay si Ernesto Velasco at may SSS number 033-190944-3.
Salamat po.
Clara P. Velasco
REPLY: Magandang araw sa iyo Ms. Velasco. Nakatutuwang isipin na meron kaming natutulungan dito sa Bandera.
Muli naming inilapit sa SSS ang concern mo at narito ang kanilang tugon:
Ms Velasco, base sa aming record may five years adjustment ang
iyong ama na si Mr. Ernesto Velasco kaya maaari na kayong gumawa ng letter na magre-request for adjustment of pension.
Maaari na itong makuha pero kinakailangang magpakita muna ang iyong ama sa pinakamalapit na SSS branch dahil temporary suspended ang kanyang account.
Kinakailangan ang presence ng iyong ama para patunayan na siya ay buhay pa. Sa pagpunta ng iyong ama sa SSS ay i-sumite na rin ang letter of request for adjustment.
Sana ay natulungan ka namin Ms. Clara sa
iyong katanungan
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior officer
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
vvv
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.