Isang kanti lang

ISANG kanti lang ni Jejomar Binay sa napakara-ming maling pamamalakad ng administras-yong dilaw, sa pananaw ng batikang human rights lawyer, ay ipinatawag agad siya ng butihing anak nina Ninoy at Cory sa Malacanang.

Mantakin ba naming sabihin na ang tagapaglitis ang siyang nagpapabagal sa usad ng kaso para mapanatiling nakakulong si Gloria Arroyo.

Ang itinuturing na tuwirang batikos sa maraming maling pamamahala ng Ikalawang Aquino ay sagot lamang ni Binay sa mga tanong sa open forum. Ang mga tanong ay salamin ng tunay na damdamin ng taumbayan sa bulok na administrasyon.

Piga-utak na ang kampo ni Mar Roxas kung paano babanatan, na naman, si Binay, na di
inakalang makababawi sa lumutang na mga pa-ngalan sa paglipad ng helicopter sa Rosario, Batangas. Iyan ang problema sa napakaraming teyorya, kontra sa karanasan at katotohanan.

Sinong magpapakulong kina Aquino, Florencio Abad, Joseph Abaya, Alan Purisima, atbp., pagkatapos ng hangalan sa 2016? Ang nangungunang ligtas sa kulungan ay si Ben Evardone at kahit uhuging bata sa kalye ay alam kung ano ang gagawin ng beteranong politiko.

Sa paggunita ng nakamamatay na lindol sa Bohol, ang tanging maibabahagi ko ay dala-ngin at debosyon sa mga kaluluwa. Itong administrasyong ito, ni novena sa Our Lady of Mt. Carmel o dasal sa Divine Mercy ay wala; at tinawag pa silang mga Katoliko.

Noong 1978 ay may pinatay na magandang bakla (wala pang transgender noon) sa motel sa Evangelista, Quiapo. Guwapo ang kanyang ka-check in; at lasing nga lang. Sa lumalaking kaso sa Olongapo ngayon taon, wala ako nakitang pagkakaiba, maliban sa ang lasing ay Kano.

Maraming LTO agencies sa Metro Manila ang wala nang plastic card sa magre-renew ng driver’s license.
Binibigyan na lang ang mga aplikante ng papel pansamantala. Iyan ang tuwid na daan sa DOTC.

MULA sa bayan (0906-5709843): Sir Lito, ako po’y naholdap alas-9 ng gabi sa kanto ng Buendia at Pasong Tamo noong Okt. 12, Linggo.

Walang Mapsa Tanod at pulis. Magrereklamo ako sa pulisya noong Okt. 13 pero, kapos na ako sa pamasahe. Pinagtiyagaan ng mga holdaper ang lumang Nokia ko at makapal na wallet na ang laman ay P65 lang at ang iba’y mga resibo na ire-reimburse ko sa delivery. Mabuti na lamang at naniwala ang boss ko sa insidente at hindi na niya ako hiningan ng police report. …8722

 

Read more...