Malapit ng yumaman | Bandera

Malapit ng yumaman

Joseph Greenfield - October 17, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay
Daisy Gamao Subdivisio,  Luniab, Iligan City.
Dear Sir Greenfield,
Itatanong ko lang po kung may pag-asa ba kaming yumaman na mag-asawa. Isinilang po  ako noong October 23, 1972 at February 14, 1966 naman ang mister ko. Sa ngayon po ay may negosyo kaming grocery sa bayan. Nais ko rin pong malaman kung mapapalaki ba namin ito at ito na kaya ang maging daan upag kami ay yumaman? Sabi ng mister ko ay basta raw magsikap lang kami at magtipid ay yayaman din daw kami. Pero naiinip na ako kaya balak kong magnegosyo din ng pautangan. Ang katabi kasi naming puwesto na nagpapautang na may malaki ang tubo ay may mga sasakyan na sila at magarang bahay. Hindi po ba masamang magpa-five six para mas mabilis kaming yumaman? Saang negosyo o larangan po ba kami yayaman?
Umaasa,
Daisy ng Iligan City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit hindi ka na magpautang o magpa-five-six ang straight o tuwid na Head Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad ang nagsillus 1017asabing kahit anong negosyo ang gawin mo sa buhay mo, tiyak na yayaman kayong mag-asawa, basta ang mas mahalaga sa ngayon wag kang masyadong magmadali.
Cartomancy:
Kung ikaw ay isang babaeng medyo mataba o may pagka-chubby na siya ring inilalarawan ng Queen of Diamonds, tiyak ang magaganap. Sa pamamagitan ng grocery o pagtitinda na kinumpirma ng barahang Five of Hearts at Five of Clubs Five, (Illustration 1.), lalo na’t ang mga paninda ay mairo-rolling o mailalako sa ibat-ibang lugar, sa nasabing negosyo kayo uunlad hanggang sa tuluyan yumaman.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending